"Nagbago na po ako, iniwan ko na yung mga double meaning songs in favor of beautiful ballads. Kung napapansin nyo, pati ang pananamit ko ay nagbago na rin. Kung dati ay talop na talop ako, ngayon ay balut na balot naman ako. Pero, sa mga concerts ko, I can compromise, pwede akong mag-sexy. Wala namang masama rito," sabi ni Diwata.
Hindi na rin siguro niya babalikan ang pag-aartista. Traumatic ang kanyang pag-aartista kaya sa pagkanta na lang muna siya. Besides, puro bold naman ang offers sa kanya.
"Sayang dahil gusto ko pa namang maka-partner si Christopher de Leon pero, dahil sa nangyaring I feel na-exploit ako sa movies, hindi na rin ito magkakaroon ng katuparan," aniya pa.
Sa ngayon, magpu-promote muna siya ng kanyang newest album sa Concorde Records, ang "Sa Yo" na naglalaman ng five original songs and five revivals. Maganda ang rendition niya ng "Ang Tangi Kong Pag-ibig" pero, sana hindi nila pinalitan ang melody ng "Hinahanap Kita".
Matutunghayan sa ANC, simula alas-6 ng gabi ang pagdating at parada ng mga bituin sa red carpet, na i-ho-host nina Jing Magsaysay at Pinky Webb.
Ang lahat ng pangyayari rito ay mapapanood sa isang two-hour special sa ABS CBN sa Oct. 26, 9:30 ng gabi.
Paano kaya niya nalaman yun? Masyado naman siyang accurate, kung nanghula lang siya.
Obvious na may leakage dahil wala akong nakitang GMA bigwig sa awards night. Ipaliwanag mo ito, Mdm. Julie B.
Andun din ako sa Awards night pero, umalis ako. Di ko nakayanan yung isang grupo sa harapan ko na walang ginawa kundi kumuha ng photos, di ko na makita ang mga kaganapan sa stage. Napaka-formal ng affair para masingitan ng mga ganung nakakainis na pangyayari. Wala yata akong nakitang mga usherettes?