Mapapangasawa ni Beth, diborsiyado, may 2 anak
October 13, 2003 | 12:00am
Ayaw ilihim ni Beth Tamayo na isang diborsyado at may dalawang anak ang kanyang magiging asawa sa darating na Mayo ng susunod na taon. Kasundo nito ang mga anak ng kanyang fiancee at kahit di niya nakakaharap ang dating asawa ng kanyang magiging asawa ay alam nitong walang magiging problema dahil may sariling pamilya na ito. "Hindi naman niya ako aalukin ng kasal kung may problema sa kanyang pag-arte. He is a businessman sa Guam kung saan ko siya nakilala. Akala ko ay one of those lang ang aming pagkikita pero, iba pala dahil iyon ang simula ng lahat."
Isang Portuguese-Chinese ang kanyang mapapangasawa na hindi naman tutol kung ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aartista. Pero habang wala pa siyang offer sa showbiz ay wala silang gagawin kundi ang palipat-lipat ng bahay mula sa Guam, papuntang Manila at posibleng magpapagawa sila ng bahay sa Hongkong dahil karamihan sa mga relative ng lalaki ay nandoon.
To be exact, May 30 ang araw ng kanilang kasal at gagawin ito sa isang Catholic church. Isang Budhist ang mapapangasawa ng aktres pero payag itong makasal sa Katoliko at bilang pagpapatunay na wala silang magiging problema pagdating sa relihiyon, ang dalawang anak nito ay bininyagan sa Katoliko.
Bilang tanda na ikakasal na ang aktres ay suot-suot nito ang isang napakalaking diamante na hugis puso sa kanyang daliri na ibinigay sa kanya nang pumayag ang mga magulang ng aktres na makipag-isang dibdib. Si Judy Ann Santos ang magiging maid of honor nito at ang magiging brides- maids nito ay kasamahan nila sa kuwadra ng kanyang manager na si Tita Angge. AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended