Mga baguhang bold star pinahirapan ng direktor

Napiga nang husto ni Direk Joey Romero ang akting nina Maye Tongco, Candy Allyson at ang baguhang si Anne Borromeo sa pelikulang Mapupulang Labi ng Wild World Entertainment.

Ayon kay Maye, muntik na siyang lumuha ng dugo dahil nahihirapan siya nang husto sa kamay ni Direk Joey. Hindi niya akalain na ganoon pala kabusisi sa pagdidirek ang naturang direktor.

Halos pareho rin ang naranasan ni Candy sa kamay ni Direk Joey. Natatakot pa nga raw si Candy bago kunan ang first shooting day niya dahil baka masigawan siya at pumalpak sa kanyang gagawin.

Sa parte naman ng baguhang si Anne, halos pagpawisan siya ng malagkit nang makaharap si Direk Joey. Hindi lang dahil first time niyang makatrabaho ang direktor, masyado kasing tense si Anne dahil bilang newcomer ay nahihiya pa siya at kabadung-kabado.

Pero sa kabila ng mga takot at pangambang naramdaman nina Maye, Candy at Anne sa piling ni Direk Joey, nagampanan naman nila ng maayos ang kani-kanilang role sa Mapupulang Labi at buong ningning nilang ipinagmamalaki na naging worth ang paghihirap nila.

Puring-puri rin nila ang kahusayan at kabaitan ng kanilang direktor. Wish nga nila’y maulit daw ang pagsasama nila ni Direk Joey.

Ang Mapupulang Labi ay showing na sa October 29. Bukod sa tatlong dilag na nabanggit, kabituin din nila sa pelikula si Marcus Madrigal.

Show comments