Naiulat sa isang pahayagan ang tungkol sa aksidente at muling nagkaroon ng kulay dahil ang unang tinawagan ni Snooky ay si Lloyd Samartino. Bakit daw?
Ganito ang paliwanag ni Lloyd nang kontakin namin by phone.
"Naimbitahan kami ni Tonton (Gutierrez) who was with Glydel Mercado and PJ Avellana, sa San Fernando. Yearly pilgrimage niya at devotion sa Mahal na Birhen. This is in connection with the town fiesta celebration at naimbitahan kami para sa pagputong ng korona sa Blessed Virgin Mary.
"Snooky was ahead of me ng mga 30 minutes, may kanya-kanya kaming sasakyang dala. Its a good thing na ganoon ang nangyari, kaya tinawagan niya ako agad thru my cellphone.
"Nadaanan ko sila at isinabay na lang sa akin. Siya at yung kanyang PA. Naiwan yung van with the driver dahil kailangan itong dalhin sa munisipyo. Nung pauwi na, sa akin na rin sumabay sina Snooky at inihatid ko na lang sila sa kanilang bahay sa Fort."
Parehong nasa cast ng seryeng Habang Kapiling Ka sina Lloyd at Snooky. Patapos na ang soap opera at aminado silang pareho na marami silang mami-miss sa pagkawala ng serye sa ere. BDC