Although nung taong 2001 pa nag-propose ng kasal si Chris kay Sherilyn, matutuloy lamang ito sa darating na Disyembre 17 sa pamamagitan ng isang civil rites wedding na susundan naman nila ng isang church wedding sa isang taon.
May isang anak si Sherilyn sa una nitong asawa na si Jun-Jun, si Paoie na very close umano ngayon sa kanyang step-dad.
Nang mag-asawa si Token at magkaroon ng dalawang anak ay namalagi siya sa kanyang hometown sa Bacolod City kung saan niya ipinagpatuloy ang kanyang singing career, ganoon din ang pagiging aktibo sa pagtulong sa mga charitable institutions sa kanyang lugar. Sa tulong ng ilang kaibigan, naitatag din ni Token ang Saltimboca Music Bar sa Bacolod. Although may mga regular singers doon, hindi rin niya maiwasan ang kumanta paminsan-minsan sa kahilingan na rin ng mga customers ng kanilang resto-bar.
Unknown to many, may talent din si Token sa pagku-compose. Katunayan, dalawa sa kanyang mga komposisyon noon ay isinaplaka nina Pops Fernandez at Eva Eugenio under OctoArts International.
Sa tulong ng TV producer na si Kitchie Benedicto, hinikayat niya si Token na muling bigyan ng panibagong sigla ang kanyang singing career. Sa tulong din ng pitong malalapit niyang mga kaibigan sa Bacolod, isang album ang nabuo at nasa market na ngayon ang kanyang debut album na pinamagatang "Ikaw Lamang Sinta" na siya ring carrier single na kinompos ni Vehnee Saturno and released thru Galaxy Records. Ang nasabing album ay nakatakdang i-launch sa darating na November 14 na gaganapin sa Calesa Bar ng Hyatt Hotel.
Ang singing talent ni Token ay una naming nasaksihan nang itoy magbigay ng isang madamdaming awitin sa last wake ng showbiz talk show host na si Inday Badiday.
Wala na ring gap ngayon sina Regine at misis ni Ariel na si Gelli dahil nakuha pang mag-guest ni Regine sa Sis.
Kaya hindi na naging problema ang pagpayag ni Regine na maka-dueto si Ariel sa awiting "Tell Me" na isa sa mga cuts sa bagong album ni Ariel sa BMG Records na pinamagatang "In My Life" at balita pa namin na magkakasama pa ang dalawa sa isang major concert na okey lang kay Gelli.
Umatras na ang Star Cinema sa Metro Manila Film Festival dahil baka hindi umano nila matapos ang pelikula at hindi na ito umabot sa deadline. Most likely, baka ito ang gawing pang-Valentine offering ng film outfit sa susunod na taon.
Ayon kay Piolo, masaya at magaan umanong katrabaho si Claudine kaya walang hassle sa kanilang working relationship.
Samantala, hindi gumigib-ap ang mga fans nina Judy Ann Santos at Piolo na muling magkakatambal ang dalawa sa pelikula at umaasa rin sila na sanay muling magkasama ang dalawa sa isang teleserye balang araw lalo pat napapabalitang malapit na umanong mawala sa ere ang Buttercup.
Although tanggap si Piolo sa ibang kapareha, hindi pwedeng kwestyunin ang lakas ng hatak ng tambalang Juday at Piolo sa takilya na may kung ilang beses na rin nilang pinatunayan.