^

PSN Showbiz

Joel Lamangan, the actor's director

-
Sa dami ng mga naglipanang direktor sa lokal na pelikula, kataka-takang maraming artista ang gustong makasama sa mga pelikula ni Joel Lamangan. Kahit na libre, payag sila basta’t makasama lamang sa pelikula nito. Feeling nila, kapag naidirek sila nito, made na sila.

Parang si Direk Joel na ang pumalit kay Lino Brocka bilang The Actor’s Director. Tulad ni Brocka na nagpakilala sa husay nina Aunor, Alajar, De Leon, Salvador, Garcia, Koronel at marami pa, humahaba na rin ang listahan ng mga artista na nanalo ng awards sa mga pelikula ni Lamangan. Isa na rito si Nora Aunor na kinilala ang talino sa Greece (Flor Contemplacion) at Malaysia (Bakit May Kahapon Pa?). Utang nina Elizabeth Oropesa (Bulaklak ng Maynila) at Glydel Mercado (Sidhi) ang grandslam awards nila kay Direk Joel. Ang iba pang artista na nanalo ng awards sa mga pelikula niya ay sina Sharon Cuneta, Jay Manalo, Albert Martinez, Eddie Garcia, Donna Cruz, Assunta at Alessandra de Rossi.

Sa Filipinas, ang entry ng Viva Films sa MMFFP, inaasahan na hindi lamang ang mga magagaling na artista nito (Armida Siguion Reyna, Aiko Melendez, Daniel Fernando, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Raymond Bagatsing, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Victor Neri, Andrea del Rosario, Richard Quan at Wendell Ramos ang nakatakdang humakot ng awards kundi maging ang pelikula na isang grand family drama.

AIKO MELENDEZ

ALBERT MARTINEZ

ANNE CURTIS

ARMIDA SIGUION REYNA

BAKIT MAY KAHAPON PA

DANIEL FERNANDO

DAWN ZULUETA

DE LEON

DIREK JOEL

DONNA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with