Sa Mayo 30 ang kasal nina Beth at Johnny na gaganapin sa Christ The King sa may Greenmeadows at ang reception naman ay sa Shangri-La Makati. Isang buwan naman ang kanilang magiging honeymoon sa Europe. Ang matagal nang kaibigang-designer ni Beth na si Ronald Arnaldo ang gagawa ng kanyang gown habang si Joe Salazar naman ang naatasan para gumawa ng kanyang gown na isusuot sa Despedida de Soltera.
Kahit mag-aasawa na si Beth, hindi raw ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tatalikuran ang kanyang showbiz career. Ipagpapatuloy pa rin niya ito at magpapabalik-balik na lamang siya ng Maynila at Guam kung saan naka-base ang kanyang magiging mister.
Larawan ng isang babaeng in love ngayon si Beth na ginagawang parang Quiapo lamang ang Guam na hindi problema sa kanya dahil matagal na siyang green card holder.
Since nag-last taping day na ang Habang Kapiling Ka ng GMA, nasa programa ng Darating ng Umaga ng ABS-CBN si Bobby Andrews bilang bagong admirer ng character na ginagampanan ni Vina Morales. Balik-Dos naman si Angelika de la Cruz na balitang mapapabilang naman sa Sanay Wala Nang Wakas. Patuloy ang rigodon sa pagitan ng ABS-CBN at GMA at hintayin pa nila ang muling pagbulusok ng ABC-5 sa pagpasok ni Tony Boy Cojuangco dahil tiyak na maraming talents ng ABS-CBN at GMA ang papunta rito.
Ang pagbubukas ng negosyo ni Joel ay sa tulong ng kanyang misis na si Cristy, na minana naman ni Joel sa kanyang ina na may catering business sa Bacolod.
Bilang Ilonggo, gustung-gusto ni Joel ang chicken inasal na siyang specialty ng kanyang restoran. Ang kitchen staff ni Joel ay inimporta pa niya mula Bacolod na personal naman nilang mag-asawa sinu-supervise kapag libre rin lamang siya sa kanyang mga showbiz commitments.
Si Julie Fe ay sumakabilang-buhay nung Martes ng gabi sa Makati Medical Center matapos itong ma-confine sa nasabing hospital sa loob ng halos isang buwan. Kinabukasan naman ng hapon, Oktubre 8 ay sumunod naman si Hermie na matagal ding iginupo ng kanyang sakit na kanser. Bago ito, matagal na ring hindi nakakakita si Hermie. Ang nakakalungkot lang, matagal na naming hindi nakita si Hermie bago ito binawian ng buhay samantalang si Julie ay nakasama ko pa ng dalawang araw nung nakaraang Hunyo sa Tacloban City at nung nakaraang Agosto ay dumayo ito sa aming munting resthouse sa Tanauan, Batangas.
Sa mga mahal sa buhay na iniwanan nina Julie Fe at Hermie, ang aming taos-pusong pakikiramay. Tulad ni Ate Luds na nauna nang umalis, tiyak na mami-miss kayo hindi lamang ng inyong mga kapamilya at kamag-anakan kundi maging ng buong industriya na inyong kinabilangan ng maraming taon.