Diwata hinimatay habang kumakanta sa kanyang album launch
October 11, 2003 | 12:00am
Marami ang nagulat, isa na ako, marami ang hindi agad nakakilos nang bigla, ay himatayin si Diwata habang kumakanta sa kanyang album launch na ginanap sa isang restaurant sa Morato nung Hwebes ng hapon. Ayon sa mga kasama ng singer na nagpasikat ng naughty song na "Sisirin" ay baka raw bunga ito ng hindi pagkain ni Diwata sa sobrang excitement sapagkat first time niya yun na mabigyan ng launching. Hindi rin daw nakatulog ng nagdaang gabi ang singer na nagbabagong image ngayon.
Ikalawang album na ni Diwata ang "Sa Yo" na ginawa niya sa Concorde Records. Ito rin ang carrier song ng album. May limang original songs ("Puro Papogi", "Tingin", "Hanggang Mayakap Ka", "Umagang Kay Ganda" at "Kulang ang Panahon" (at limang revivals) dalawa rito ang "Ang Tangi Kong Pag-ibig" at "Hinahanap Kita").
Nagbago na ng image ang itinuturing na "Sisid Queen". May mga pagkakamali akong ginawa sa aking buhay na pinagbayaran ko rin, maski na sa aking pamilya, ang pagbabago ay isang paraan na naisip ko para makabawi man lamang. Desisyon ko ito, my own choice, walang nagbabawal sa akin," aniya.
Ayaw nang pag-usapan pa ni Diwata ang naging away nila ni Mystica. "Ayaw kong ma-associate ang pangalan ko sa kanya," pakiusap niya at sinabing ayaw na rin niyang mag-pelikula. Masyadong traumatic ang naging karanasan niya sa The Oragons na kung saan ay pinilit siyang alisin ang bra niya sa kissing scene nila ni Eddie Garcia. Nakita niya na hindi naman ito kailangan sa eksena. "Palagay ko ay na-exploit lang ako," sabi ng ngayon ay Born-Again Christian.
"Ang mga santo ko ibinigay ko na sa mother ko. Wala naman kaming conflict ng family ko, Katoliko sila at Born Again ako. May respeto kami sa isat isa. Minsan nga ay sumasama pa ang Mom ko sa service na pinupuntahan ko."
Hindi man natin napapansin, nagri-rely na tayo sa ABS-CBN News Channel (ANC) pagdating sa mga balita at information. Sa isang latest survey na lumabas, tinatalo na ng ANC sa pagbibigay ng balita ang mga dati nang network, ang RPN9 at ABC5 at maging ang CNN, Fox News at CNBC Asia. Ang mabilis na pagtaas ng ratings ng ANC, ayon kay Jing Magsaysay, managing Director ng ANC, ay ang malaking pagbabago ng programing ng ANC. Bukod sa nagdagdag ito ng newscast sa primetime slots, mayroon na itong ll newscast araw-araw, mula Lunes hanggang Byernes, di pa rito kasama ang business program and updates na ibinibigay nito sa araw. Mayroon ding live news reports during the weekends, isang magandang strategy para makuha ng tao ang mga balita anumang oras na gustuhin nila.
Pinanonood na rin ang mga talk shows ng ANC na ang host ay sina Ces-Oreña Drilon, Boy Abunda, Cito Beltran, Gene Orejana, Tina Monson-Palma at Pia Hontiveros.
Ang Usapang Business ay pinaka-pangunahing programa pa rin ng ANC na nagbibigay ng business updates, success stories at tips.
Ikalawang album na ni Diwata ang "Sa Yo" na ginawa niya sa Concorde Records. Ito rin ang carrier song ng album. May limang original songs ("Puro Papogi", "Tingin", "Hanggang Mayakap Ka", "Umagang Kay Ganda" at "Kulang ang Panahon" (at limang revivals) dalawa rito ang "Ang Tangi Kong Pag-ibig" at "Hinahanap Kita").
Nagbago na ng image ang itinuturing na "Sisid Queen". May mga pagkakamali akong ginawa sa aking buhay na pinagbayaran ko rin, maski na sa aking pamilya, ang pagbabago ay isang paraan na naisip ko para makabawi man lamang. Desisyon ko ito, my own choice, walang nagbabawal sa akin," aniya.
Ayaw nang pag-usapan pa ni Diwata ang naging away nila ni Mystica. "Ayaw kong ma-associate ang pangalan ko sa kanya," pakiusap niya at sinabing ayaw na rin niyang mag-pelikula. Masyadong traumatic ang naging karanasan niya sa The Oragons na kung saan ay pinilit siyang alisin ang bra niya sa kissing scene nila ni Eddie Garcia. Nakita niya na hindi naman ito kailangan sa eksena. "Palagay ko ay na-exploit lang ako," sabi ng ngayon ay Born-Again Christian.
"Ang mga santo ko ibinigay ko na sa mother ko. Wala naman kaming conflict ng family ko, Katoliko sila at Born Again ako. May respeto kami sa isat isa. Minsan nga ay sumasama pa ang Mom ko sa service na pinupuntahan ko."
Pinanonood na rin ang mga talk shows ng ANC na ang host ay sina Ces-Oreña Drilon, Boy Abunda, Cito Beltran, Gene Orejana, Tina Monson-Palma at Pia Hontiveros.
Ang Usapang Business ay pinaka-pangunahing programa pa rin ng ANC na nagbibigay ng business updates, success stories at tips.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended