Ayon sa isang insider ng Dos ay may balak na isama si Angelika sa soap opera na Sanay Wala Nang Wakas nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa para maging ka-trianggulo nila sa pag-ibig.
Dating magka-loveteam sina Echo at Angel. Ilang beses silang nagkatambal sa pelikula at sa TV. Matutuwa ang maraming fans sakaling magkasamang muli sa isang project ang dalawa. Maraming prodyuser ang gustong kumuha sa serbisyo ng dalawa para igawa ng pelikula kaya lang hindi natuloy dahil magkaiba sila ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Hindi naman nasira ang magandang pagkakaibigan nina Echo at Angel dahil kahit magkaiba ang kanilang network noon ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.
Mabuti na lang at nagkaayos na sina Kris at Joey bago sumapit ang kanyang kaarawan kaya para rin itong nabunutan ng tinik.
Ano ba ang inspirasyon nito sa pagiging composer?
"Bawat kanta ko ay may istorya at ibinabatay ko ang komposisyon sa mga tao at ibat ibang sitwasyon kaya pakikinggan mong mabuti ang aking mga awitin," aniya.
Ang bagong komposisyon nitong "Ill be There" ay may makabuluhang mensahe at magandang i-apply sa mag-asawa o magnobyo. Di bat maganda rin ang "Bakit Ngayon Ka Lang" na paborito ko? Si Ogie ay tunay na alagad ng sining dahil sa paglikha ng awitin at pagiging singer.
Binubuo ito ng apat na segment: "Bilib kay Mom" na tatalakay tungkol sa trials & success ng mommy; "Lifestyle (Whats Up Mom)," "Business Mom" na nauukol sa mga negosyo o livelihood program at ang "Dear Mom" na ala- Wish Ko Lang ang dating dahil may mga letter sender na tutulungan ang programa.
Magsisimula ang airing nito sa Oktubre 17 Byernes sa IBC 13 9:00-9:30 am under Good Gem Entertainment Productions sa direksyon ni Ross Andres.
May balita pa nga na laging nasa bahay ng nobyo ang sexy actress at nangangamba sila na baka mabuntis ito o kayay mapabayaan na ang career.
Feeling ng malalapit sa aktres na hindi naman seryoso sa kanya ang TV host. Ratsada ngayon sa telebisyon ang sexy star kung saan mainstay ito ng isang noontime show.