Angelika,balik-Dos
October 9, 2003 | 12:00am
Madalas ngayong makita sa Channel 2 si Ernie dela Cruz na daddy ni Angelika. Balitang babalik na naman sa Dos ang magandang aktres at nakikipagnegosasyon na ang ama nito sa management na interesadong makuhang muli ang serbisyo ng aktres.
Ayon sa isang insider ng Dos ay may balak na isama si Angelika sa soap opera na Sanay Wala Nang Wakas nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa para maging ka-trianggulo nila sa pag-ibig.
Dating magka-loveteam sina Echo at Angel. Ilang beses silang nagkatambal sa pelikula at sa TV. Matutuwa ang maraming fans sakaling magkasamang muli sa isang project ang dalawa. Maraming prodyuser ang gustong kumuha sa serbisyo ng dalawa para igawa ng pelikula kaya lang hindi natuloy dahil magkaiba sila ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Hindi naman nasira ang magandang pagkakaibigan nina Echo at Angel dahil kahit magkaiba ang kanilang network noon ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.
Gaano katoto ang balitang nakarating sa amin na si Alma Moreno ang nangasiwa ng birthday celebration ni Mayor Joey Marquez na idinaos sa Intercon noong Oktubre 7? Dapat ay si Kris Aquino ang nagbigay ng surprise party sa alkalde kung di sila nag-away kaya naman balitang isinoli ng mga guest entertainers ang paunang bayad sa kanila.
Mabuti na lang at nagkaayos na sina Kris at Joey bago sumapit ang kanyang kaarawan kaya para rin itong nabunutan ng tinik.
Excited si Jao Mapa dahil kasama ito sa teleseryeng Sa Puso Ng Batas na tatampukan ng magagaling na artista kabilang pa si Sen. John Osmeña. Gagampanan ni Jao ang papel ng isang taong idinemanda for sexual harassment. Gusto ni Jao na magkaroon ng isang magandang pelikula na muling magpapamalas ng kanyang talento sa pag-arte.
Pinatunayan ni Ogie Alcasid nang mag-guest ito sa Sis na talagang magaling itong composer. Ang kanyang "Kailangan Koy Ikaw" ay ginawa niya sa loob lang ng 15 minuto.
Ano ba ang inspirasyon nito sa pagiging composer?
"Bawat kanta ko ay may istorya at ibinabatay ko ang komposisyon sa mga tao at ibat ibang sitwasyon kaya pakikinggan mong mabuti ang aking mga awitin," aniya.
Ang bagong komposisyon nitong "Ill be There" ay may makabuluhang mensahe at magandang i-apply sa mag-asawa o magnobyo. Di bat maganda rin ang "Bakit Ngayon Ka Lang" na paborito ko? Si Ogie ay tunay na alagad ng sining dahil sa paglikha ng awitin at pagiging singer.
May bagong programa si Gigi Malonzo titled Okey si Mom kung saan makakasama nito bilang host si Marjorie Barretto. Akala namin ay sa Channel 5 ang airing nito pero di natuloy kaya balik-Trese uli ang programa.
Binubuo ito ng apat na segment: "Bilib kay Mom" na tatalakay tungkol sa trials & success ng mommy; "Lifestyle (Whats Up Mom)," "Business Mom" na nauukol sa mga negosyo o livelihood program at ang "Dear Mom" na ala- Wish Ko Lang ang dating dahil may mga letter sender na tutulungan ang programa.
Magsisimula ang airing nito sa Oktubre 17 Byernes sa IBC 13 9:00-9:30 am under Good Gem Entertainment Productions sa direksyon ni Ross Andres.
Ibang klase kung ma-in love ang sikat na sexy actress na ito dahil hindi siya mahagilap ng kanyang manager. Talagang patay na patay ito sa nobyo kaya hindi nga malaman kung ano ba ang katangian ng bf na isa ring TV host at nagustuhan niya ito ng ganun na lang.
May balita pa nga na laging nasa bahay ng nobyo ang sexy actress at nangangamba sila na baka mabuntis ito o kayay mapabayaan na ang career.
Feeling ng malalapit sa aktres na hindi naman seryoso sa kanya ang TV host. Ratsada ngayon sa telebisyon ang sexy star kung saan mainstay ito ng isang noontime show.
Ayon sa isang insider ng Dos ay may balak na isama si Angelika sa soap opera na Sanay Wala Nang Wakas nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa para maging ka-trianggulo nila sa pag-ibig.
Dating magka-loveteam sina Echo at Angel. Ilang beses silang nagkatambal sa pelikula at sa TV. Matutuwa ang maraming fans sakaling magkasamang muli sa isang project ang dalawa. Maraming prodyuser ang gustong kumuha sa serbisyo ng dalawa para igawa ng pelikula kaya lang hindi natuloy dahil magkaiba sila ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Hindi naman nasira ang magandang pagkakaibigan nina Echo at Angel dahil kahit magkaiba ang kanilang network noon ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.
Mabuti na lang at nagkaayos na sina Kris at Joey bago sumapit ang kanyang kaarawan kaya para rin itong nabunutan ng tinik.
Ano ba ang inspirasyon nito sa pagiging composer?
"Bawat kanta ko ay may istorya at ibinabatay ko ang komposisyon sa mga tao at ibat ibang sitwasyon kaya pakikinggan mong mabuti ang aking mga awitin," aniya.
Ang bagong komposisyon nitong "Ill be There" ay may makabuluhang mensahe at magandang i-apply sa mag-asawa o magnobyo. Di bat maganda rin ang "Bakit Ngayon Ka Lang" na paborito ko? Si Ogie ay tunay na alagad ng sining dahil sa paglikha ng awitin at pagiging singer.
Binubuo ito ng apat na segment: "Bilib kay Mom" na tatalakay tungkol sa trials & success ng mommy; "Lifestyle (Whats Up Mom)," "Business Mom" na nauukol sa mga negosyo o livelihood program at ang "Dear Mom" na ala- Wish Ko Lang ang dating dahil may mga letter sender na tutulungan ang programa.
Magsisimula ang airing nito sa Oktubre 17 Byernes sa IBC 13 9:00-9:30 am under Good Gem Entertainment Productions sa direksyon ni Ross Andres.
May balita pa nga na laging nasa bahay ng nobyo ang sexy actress at nangangamba sila na baka mabuntis ito o kayay mapabayaan na ang career.
Feeling ng malalapit sa aktres na hindi naman seryoso sa kanya ang TV host. Ratsada ngayon sa telebisyon ang sexy star kung saan mainstay ito ng isang noontime show.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended