"Bago ako magkaedad ng 35 ay gusto kong magpakasal," ani Kris. "Thirty two ako ngayon kaya mga tatlong taon na lang ang hinihintay ko. Kanino? Gusto kong magpakasal sa isang lalaki na comfortable with who I am. Isang lalaking hindi lang tatanggap sa akin kundi mag-aalaga sa akin. Mahalaga sa akin na ma-impress ako sa kanya at sa mga achievements niya. Kailangang malayo na ang narating niya sa buhay at sanay sa sarili niyang paraan. Mahalaga ring mahusay siyang kakwentuhan at pag-uusapan namin ang mga nangyari sa buong araw. Dati, may listahan ako ng mga qualities ng ideal man ko, pero ngayon wala na akong pakialam sa listahan. Hindi naman kasi matutupad yan.If he comes, Ill know. Or if its there, it will last!"
Si Joey kaya ang tinutukoy ni Kris sa statement niya? Sino ang lalaking pakakasalan niya ngayong hiwalay na sila ni Joey? May pag-asa pa kayang magkabalikan sila? Dennis Adobas