TY kina Richard at Lucy for sharing Padre Pio with us
October 7, 2003 | 12:00am
Alam ko, itatanong nyo rin kung sino si Padre Pio at kung saang simbahan siya nagmimisa. Totoo pong isang pari siya, isang matapang na pari at kauna-unahang nagkaroon ng mga sugat ni Hesus sa kanyang katawan na hindi gumaling hanggang sa kanyang kamatayan. Isa po siyang Italyanong pari na maraming Pilipino ang nakakilala at nakapangumpisal bago ito namatay nung early 60s. Ayon sa kanilang mga kwento, hindi nyo na sasabihin kay Padre Pio ang inyong mga kasalanan, ito na mismo ang magsasabi sa inyo. Isang Pilipino ang hindi naging matapat sa kanyang pangungumpisal kay Padre Pio. Hindi niya sinabi ang lahat niyang kasalanan. Nagulat pa siya nang ang Padre ang nagsabi nito sa kanya.
Narito ang relic ng nasabing pari na isa nang santo ng mga Katoliko. May nagpahiram nito kay Lucy Torres na ilang linggo ring dinadalaw ng maraming tao sa kanilang tahanan ni Richard. Isa lamang ang ina ni Lucy sa pinagkalooban ng milagro ni Padre Pio. Pinagaling nito ang kanyang sakit na cancer.
Nung Linggo ng gabi, nagkaroon ng Misa sa bahay nina Richard at Lucy na dinaluhan ng maraming deboto ni Padre Pio.
Bago ito ay binigyan ako ni Ed de Leon ng istatwa ng Padre. Di ko siya kilala pero, dahil regalo, tinanggap ko at inilagay ko sa altar ko. Nung Linggo, pormal akong ipinakilala ni Ed kay Padre Pio sa bahay nina Richard na napaka-generous na i-share sa amin ang pagkakataon na makilala si Santo Pio ng mga Katoliko. Dinasalan ko ito at hiniling na katulad nina St. Therese of the Child Jesus na nagbigay lunas sa aking sakit nun at kay Father Corsie na ang ibinigay sa akin na "Deliverance Prayer" ay hindi lamang pisikal na karamdaman ang nagamot sa akin kundi maging ang sakit ng loob, ng emosyon. Feeling ko ngayon, mas malakas na ako kay Lord. Tatlo-tatlo na kasi ang nagi-intercede sa akin sa kanya.
Nagbabalik showbiz ang aktres na si Julie Ann Fortich. Isa itong ramp model na naging artista na nabigyan ng maraming movies nung panahon niya. Nung 1979 ay binigyan ito ng isang bonggang launching ng Agrix Films na ginawa sa isang yate, ang M/V Mariveles del Sol at formal na nakilala bilang isang lead actress sa Mahal Kong Taksil kasama sina Ace Vergel at Charo Santos. Nawala ito sa limelight nang magtungo ng Amerika. Ang kanyang panganay ay 20 years old na at isang US navy.
Nasa bansa si Julie, sa Cavite, kasama ang 2 anak na babae. May sarili siyang opisina sa Las Piñas na gumagawa ng mga corporate giveaways.
Nagbabalak si Julie na magbalik-showbiz. Pwede siya sa mother roles.
Nagbabalik ang tinaguriang First Millennium Stud na si Raffy Anido. Naging leading man ito nina Aya Medel (Gawin Sa Dilim 2), Yda Manzano (Sa Yong Mga Haplos), Pyar Mirasol (Ang Paninda), Ilonah Marquez (Ira at Blondie) at Allona Amor (Halik Sa Aking Lupa). Naging nominado ito ng PMPC Star Awards bilang Best New Movie Actor.
Narito ang relic ng nasabing pari na isa nang santo ng mga Katoliko. May nagpahiram nito kay Lucy Torres na ilang linggo ring dinadalaw ng maraming tao sa kanilang tahanan ni Richard. Isa lamang ang ina ni Lucy sa pinagkalooban ng milagro ni Padre Pio. Pinagaling nito ang kanyang sakit na cancer.
Nung Linggo ng gabi, nagkaroon ng Misa sa bahay nina Richard at Lucy na dinaluhan ng maraming deboto ni Padre Pio.
Bago ito ay binigyan ako ni Ed de Leon ng istatwa ng Padre. Di ko siya kilala pero, dahil regalo, tinanggap ko at inilagay ko sa altar ko. Nung Linggo, pormal akong ipinakilala ni Ed kay Padre Pio sa bahay nina Richard na napaka-generous na i-share sa amin ang pagkakataon na makilala si Santo Pio ng mga Katoliko. Dinasalan ko ito at hiniling na katulad nina St. Therese of the Child Jesus na nagbigay lunas sa aking sakit nun at kay Father Corsie na ang ibinigay sa akin na "Deliverance Prayer" ay hindi lamang pisikal na karamdaman ang nagamot sa akin kundi maging ang sakit ng loob, ng emosyon. Feeling ko ngayon, mas malakas na ako kay Lord. Tatlo-tatlo na kasi ang nagi-intercede sa akin sa kanya.
Nagbabalik showbiz ang aktres na si Julie Ann Fortich. Isa itong ramp model na naging artista na nabigyan ng maraming movies nung panahon niya. Nung 1979 ay binigyan ito ng isang bonggang launching ng Agrix Films na ginawa sa isang yate, ang M/V Mariveles del Sol at formal na nakilala bilang isang lead actress sa Mahal Kong Taksil kasama sina Ace Vergel at Charo Santos. Nawala ito sa limelight nang magtungo ng Amerika. Ang kanyang panganay ay 20 years old na at isang US navy.
Nasa bansa si Julie, sa Cavite, kasama ang 2 anak na babae. May sarili siyang opisina sa Las Piñas na gumagawa ng mga corporate giveaways.
Nagbabalak si Julie na magbalik-showbiz. Pwede siya sa mother roles.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended