Pormal at personal na nagpaalam last Sunday ang kontrobersyal na TV host-actress,
Kris Aquino, sa programang
The Buzz. Sariling kadahilanan ang rason ng TV host kung bakit nito iiwan pansamantala ang isa sa minahal na ring programa for the past four years, ang
D Buzz, with kuya
Boy Abunda. Common sense nga naman na ang laging dini-discuss sa nasabing top-rated Sunday talk show ay tungkol sa mga buhay-buhay ng mga kapwa-artista niya and yet, alam naman natin na si Kris ang siyang naging sentro ng mga intriga, weeks ago.
Marahil, para maiwasan na rin ang pagsawsaw sa mga intriga, at lumayo na rin sa pang-iintriga. Kris finally decided to temporarily leave the show.
Nais din naming ikorek na ang
The Buzz lamang ang iiwan pansamantala ni Kris. Tuloy na tuloy pa rin ang
Next Level! Na! GKNB, na sa mga araw na itoy nagkaroon na ng pilot airing. Masaya ang show dahil kakaibang game show ito na maglalaro ang mga contestants from level one (tsamba) hanggang sa tapang level at talino level. Siguradong magi-enjoy ang mga manonood dahil it combines the tricky and fearful struggle from the start ng pakontes.
Isang makapanindig-balahibong episode ang tampok last Thursday sa
Maalaala Mo Kaya, featuring the true-to-life story of the late teen superstar
Julie Vega. Naging isang sikat or let us say isa sa pinakasikat na young actress noon si Julie at natatandaan naming nakikipag-compete ang kanyang
Anna Lisa, teleserye noon sa
Flor de Luna ni
Janice de Belen na incidentally at that time ay karibal sa kasikatan ng yumaong Julie. Sa mga taong nakasubaybay sa tinamong tagumpay ni Julie, hanggang sa siyay bawiin ng ating
Panginoon, isang nakakapanindig-balahibong alalahanin muli ang kanyang nakaraan. Lalo pang naging epektibo ang pagsasadula ng talambuhay ni Julie dahil sa ang gumanap sa buhay ng aktres ay si
Angelica Panganiban, ang sinasabing kahawig ng late teenstar. Sa totoo lang, muling nabuhay ang katauhan ni Julie sa magaling na portrayal ni Angelica ng mga pinagdaanan ni Julie.
Its really a big loss sa movie industry ang maagang pagpanaw ng isa sanang superstar in the future. Kung buhay pa siguro si Julie ngayon, naaabot na siguro nito ang superstardom at ngayoy isa na ring de-kalibret beteranang aktres, gaya nina
Ate Vi, Mama Guy at
Megastar Sharon!
Pumalo ng todo sa rating ang nasabing Julie Vega episode sa
Maalaala Mo Kaya. Nagtala ito ng 38% sa Metro Manila, habang ang
Magpakailanman ay umabot lang ng 14.8% sa over-all MM rating. Sa next episode, ang buhay naman ng komedyanteng si
Bentong ang isasadula sa
MMK. Abangan din po ang makabagbag-damdaming kahirapang pinagdaanan ni Bentong, bago nito narating ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.
Napapanood natin ang ilang clippings from
Milan movie na mga backdrop pa lamang sa ilang matulaing lugar sa Italy, particular na sa Venice at Milan ay siguradong patok na sa mga manonood. Plus of course ang pinakaabangang bagong putahe at tambalan, ang
Piolo Pascual-Claudine Barretto tandem. Nakaka in-love talaga sa Italy at makikita sa mga larawang kuha, sa mukha nina Piolo at Claudine ang lubos na kasiyahan sa naganap na trabaho at bakasyon-grande all together!
For your comments and reactions, you can email me at
ericjohnsalut@yahoo.com