Buhay ni Ynez, nabili ng 'MMK'
October 6, 2003 | 12:00am
Isasadula sa TV ang buhay at pag-ibig ni Ynez Veneracion. Nang una naming marinig ang tungkol dito, hindi pa tiyak kung sa Magpakailanman ni Mel Tiangco sa GMA 7 gagawin, o sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos.
Kahapon lang, kinumpirma ng isang insider mula sa ABS-CBN na sa kanila gagawin ang pagsasadula ng buhay ng bold star. Tinanggap na raw ng kampo ni Ynez ang down payment at inaayos na ang script para umpisahan ang taping. Posibleng si Ynez na rin ang gaganap sa role.
Iniisip lang namin, isama kaya sa istorya ng buhay nya ang ginawang exposé noon ni Henry Omaga-Diaz? Sa ABS-CBN din yun, di ba? Naging traumatic para kay Ynez ang pagpapalabas ng kontrobersyal na tape, ilang buwan din siyang nanahimik bago tuluyang naka-recover.
Sa mga interviews, inamin ni Ynez na si Mon Confiado ang malaking dahilan para makalimutan ang bangungot na yun. Si Mon ang nagtiyagang magpaliwanag sa kanya ng kahalagahan ng buhay, na hindi yun ang katapusan ng mundo.
Nalagpasan niya ang problema. Na-realize ni Ynez, paano na nga ba ang mangyayari sa mga taong mahal niyat umaasa sa kanya. Muli siyang bumangon at buong tapang na hinarap ang pakikibaka sa buhay.
Ang karanasang yun ay nakatulong para maipakita ang talento niya sa pag-arte. Kinilala ang husay niya sa mga pelikulang ginawa niya. Kinilala ang acting capacity niyat nagkamit pa ng acting award.
Bukod sa pag-arte, pumirma rin siya ng recording contract sa kumpanya ni Mr. Howard G. Dy, Managing Director & CEO-Dyna Music. Hinangaan ang kanyang unang album at patuloy siyang umaawit ngayon, sa mga shows in and outside the country. BDC

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended