Samantala, patapos na ang seryeng Habang Kapiling Ka this month. Nag-last taping day na sila nung September 29, ayon kay direk Maryo J. delos Reyes who left for South Korea to attend the Pusan International Film Festival. Ipalalabas doon ang Magnifico movie niya sa non-competitive division.
While on-going pa ang seryeng Habang..., na-link si Zoren sa kapareha nitong si Aleck Bovick. Ilang ulit na niyang pinabulaanan ang tsismis. Siguro naman daw, sa pagwawakas ng soap opera, matitigil na rin ang intrigang more than friend sila ni Aleck.
Abala si Zoren sa Kakabakaba series kapareha ang karelasyon niyang si Carmina Villaroel. Maganda ang feedback sa bagong programang ito ng Siyete na pinamamahalaan ni Dingdong Dantes. Mataas ang rating at balitang naungusan na ang katapat na programang Buttercup ng Dos.
Marami ang nakapapansin sa sipag nina Zoren at Mina sa pagtatrabaho ngayon. Inaamin naman nilang theyre doing this on purpose para sa lumalaking kambal na anak. Kasalukuyan silang bumubuo ng pamilya at gusto nilang makapagpundar para sa kinabukasan ng mga ito. BEN DELA CRUZ