Actress-TV host pumapatol sa t-bird
October 5, 2003 | 12:00am
Hindi naging maganda ang naging pagsasama ng sikat na aktres at TV host sa naging asawa nito. Balitang gumamit ang lalaki ng ipinagbabawal na gamot na naging malaking dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Nasa pangangalaga ng aktres ang kanyang nag-iisang anak. Nakatagpo ito ng pagmamahal sa isang kapwa babae na kilala sa showbiz dahil anak ito ng isang sikat na artista.
Lumabo ang kanilang relasyon dahil likas pala kay T-bird ang pagiging palikera.
Hiwalay na ang dalawa ngayon. May bago na si aktres na isa ring tomboyitang taga-showbiz.
Gusto munang magbakasyon ni Alma Moreno kasama ang mga anak para mapahinga muna ang kanyang isip.
Nalulungkot din ito dahil sa nararanasang panunukso ng mga kaiskwela ng kanyang mga anak na sina Yeoj at Winwin.
Nang mapanood nga ni Yeoj ang tungkol sa away ng ama at ni Kris ay nag-iiyak ito at sinabing "Di ganoon si Daddy!
Ayaw kong makulong siya," anang bata.
Saludo kami kay Melanie Marquez lalo na pagdating sa pagmamahal nito sa kapatid na si Joey Marquez. Talagang nanggagalaiti ito sa galit lalo na roon sa tumutuligsa sa kanya bilang marahas na tao. Hindi siya naniniwalang manunutok ito ng baril at mananakit ng babae. Sinabi naman niya na mahal din niya si Kris Aquino at sanay maayos na ang gulo nila. "They are not acting maturity" na sa sobrang galit ay nasabi niya.
Nakausap namin si Direk William Mayo at sinabing ilang araw na lang at matatapos na ang syuting ng Kidlat Ngayon (dating Kapitan Kidlat) na tatampukan ni Mikey Arroyo. "Bagay kay Mikey ang role na katatawanan. Noon ay binalak itong gawin ng isang kompanya kung saan bida sana si Janno Gibbs.
Abala ngayon si Direk William sa dalawang pelikula. After Kidlat Ngayon ay nakalinya na ang Luis Taruc Story na gagampanan ni Gob. Lito Lapid.
Bukod sa pagdidirek at pagiging presidente ng Directors Guild o KDPP ay ito pa rin ang Chairman ng Concerned Workers sa showbiz. Marami na rin itong natulungan sa pamamagitan ng murang pabahay. Magkakaroon ng launching at ground breaking ang ikalawa nitong showbiz village by the end of October sa Malolos, Bulacan.
Kung hindi nag-away sina Kris Aquino at Joey Marquez ay may maganda sanang sorpresa ang TV host sa mayor ng Parañaque. Bibigyan niya ito ng birthday celebration noong October 1 kung saan maraming celebrities ang imbitado. Katunayan nabigyan na ito ng paunang bayad pero dahil sa away ay minabuti na lang ng mga entertainers na isauli ang bayad sa TV host.
Nasa pangangalaga ng aktres ang kanyang nag-iisang anak. Nakatagpo ito ng pagmamahal sa isang kapwa babae na kilala sa showbiz dahil anak ito ng isang sikat na artista.
Lumabo ang kanilang relasyon dahil likas pala kay T-bird ang pagiging palikera.
Hiwalay na ang dalawa ngayon. May bago na si aktres na isa ring tomboyitang taga-showbiz.
Nalulungkot din ito dahil sa nararanasang panunukso ng mga kaiskwela ng kanyang mga anak na sina Yeoj at Winwin.
Nang mapanood nga ni Yeoj ang tungkol sa away ng ama at ni Kris ay nag-iiyak ito at sinabing "Di ganoon si Daddy!
Ayaw kong makulong siya," anang bata.
Abala ngayon si Direk William sa dalawang pelikula. After Kidlat Ngayon ay nakalinya na ang Luis Taruc Story na gagampanan ni Gob. Lito Lapid.
Bukod sa pagdidirek at pagiging presidente ng Directors Guild o KDPP ay ito pa rin ang Chairman ng Concerned Workers sa showbiz. Marami na rin itong natulungan sa pamamagitan ng murang pabahay. Magkakaroon ng launching at ground breaking ang ikalawa nitong showbiz village by the end of October sa Malolos, Bulacan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended