Tiyak na hitik sa drama ang part-drama, part-documentary na palabas. Detalyadong ilalahad dito ang mga pagdurusa ng mga pamilyang naapektuhan ng mga nawalang mga tao at ang mga pangyayari na naging daan kung paano sila lahat ay nilamon ng kawalan.
Pawang mahuhusay na artista ang piniling gumanap ng mahahalagang papel tulad nina Cherry Pie Picache, Julio Diaz, Angel Aquino, Aleck Bovick, Criselda Volks, Ian de Leon, Chris Villanueva at Gladys Reyes.
Ilan sa mga taong nawala ay maraming dekada nang hinanap o tinunton, pero talagang walang naiwang bakas kayat napakahirap ng pagtunton sa kanila. Just one glimmer of hope coul be an encouraging lead. Ang higit na malungkot lahat ng mga naiwan ay halos wala ng pag-asang buhay pa nga ang mga nawala nilang mahal sa buhay.
Kahit ako may mga personal na kaibigan o kakilala sa mga nasabing desaparecidos. Isa na rito ang dati kong schoolmate na si Carlos (Charlie) Del Rosario. Noong senior na siya sa high school freshman pa lang ako. Sa Lyceum siya nag-aral at nagpatuloy ang pagiging aktibista. Siya ang isa sa mga founders ng Kabataang Makalabas (KM). Siya ang naging pangulo ng samahan at naging very vocal gainst martial law noong Dekada 70. Ayun biglang naglaho si Charlie at walang nakaalam kung ano talaga ang nangyari sa kanya.
Ang tiyak, pinatay siya. Hindi lang alam kung sino ang salarin at kung paano siya pinatay.
Isang nakababatang kapatid ng saxphone king na si Jake Concepcion ang bigla ding nawala mga 10 taon na ang nakalipas. Siya si Pete Concepcion na isa namang trumpet player. Naging kaklase pa sa high school si Pete ng yumaong National Artist na si Director Lino Brocka, sa kanilang lalawigan sa Nueva Ecija.
Noong humina na ang pagiging musikero ni Pete sa Maynila, bumili na lang siya ng isang jeepney na pinampasada niya. Isang araw na nagbiyahe siya, hindi na umuwi at hindi pa matagpuan hanggang ngayon. Ang sabi ng misis niya at pati mismo si Jake wala silang alam na kaaway ang kanyang nawalang kapatid. Hindi lang alam kung na-involved siya sa mga militanteng grupo ng mga jeepney o mga manggagawa.
Noon may isang reporter na nag-bulgar tungkol sa alleged underworld kingpin na si Don Pepe. Matapang ang journalist, pero kung minsan talaga nakakapatay ang sobrang tapang. Disappear siyang bigla at nilamon na rin ng kawalan. Ang mga kwento mismo ng mga taga-dyaryo nasentensyahan ang reporter na ihulog sa isang drum ng semento at nang matuyo na ito, tinapon na lang sa dagat. Walang bakas na nakita.
Sa mga kamag-anak ng mga desaparecidos, walang katapusang dusa... walang katiyakang pagtunton... habang buhay na paghihintay.
Ito ang isang TV special na hindi dapat kaligtaan. Linggo, 9:30 ng gabi. Marami kayong matututuhan at maraming matutuklasan.
Ginamit na rin ang kanta ng Parokya ni Edgar (composed by Buwi Meneses) sa commercial ng Sunkist. Kwela naman ang commercial version at tiyak na lalaki ang benta ng nasabing produktong powdered fruit juice.
Ang balita ko, maraming mga politicians na kandidato sa 2004 elections ang gustong gamitin ang "Mr. Suave" sa kanilang political jingle. Sino kaya sa kanila ang maunang makakuha ng rights sa kanta?
Magaling na si Buwi Meneses ng Parokya at tuloy na ang shooting ng bagong music video ng grupo ang The Yes Yes Show ngayong araw ng Linggo.