Hindi pa nagsimula ang media assault ng isang congressman laban sa PLDT dahilan sa pagbibigay nito ng phone services para sa mga sexy stars na sina
Joyce Jimenez at
Patricia Javier ay nauna nang ipatigil ng nasabing kumpanya ng telepono ang pagpapalimbag ng mga phone card na nagtataglay ng mga larawan ng dalawang artista. Tinapos ng PLDT ang serbisyo nina Joyce nung Mayo 30 at ni Patricia nung Abril 21, pareho ng taong ito kaya wala nang dahilan para magkaroon pa ng imbestigasyon sa kumpanya dahilan dito.
Sa halip, may mga bagong phone cards ang PLDT katulad ng kay
Cardinal Sin na ang kikitain ay mapupunta sa
Caritas Foundation, ang "Make A Wish" na nagtatampok kay
Jolina Magdangal. Maglalabas din ito ng
Ninoy Aquino phone card para sa
Benigno Aquino, Jr. Foundation. Inamin ni Maui Taylor
na mas bold siya sa kanyang VCD kaysa sa pelikula niyang Bugbog Sarado
na marami ang nagsasabing inspired sa kontrobersya nina Kris Aquino
at Joey Marquez
bagaman at sinasabi ng lahat ng nasa cast, na bago pa pumutok ang gulo sa dalawa ay nagawa na nila ang movie ni Joel Lamangan,
tungkol sa live-in lovers (Maui & Jordan Herrera
) na nagbubugbugan sa panahon ng kanilang intimate moments. May twist sa ending ng pelikula na gugulat sa mga manonood.
May mga frontal scene si Maui na naganap nang sirain ni Jordan ang kanyang damit at ni-rape siya nito.
Pagkatapos ng promo ng movie ay aalis si Maui para pumunta ng London. Dalawang linggo siyang mawawala. "Magbabakasyon lang ako sandali at susunduin ko na rin ang ate ko," sabi ni Maui.
Kasama rin sa movie sina Andrea del Rosario
at Victor Neri.
Sa kabila ng kanyang kaliitan, nagsisimula nang ipamalas ni
Aiza Marquez ang kanyang maraming talento. Una na ang kanyang kakayahan sa pag-arte na unti-unti nang lumalabas sa pagganap niya bilang Ella sa
Darating Ang Umaga. Anak siya ni
Vina Morales at kapareha ni
Danilo Barrios na sinasabi ng marami na umaabot hanggang sa likod ng kamera ang kanilang romansa. Una rito napansin siya nang gampanan niya sa pelikulang
Noon at Ngayon ang role ng anak ni
Jean Garcia. Sa kanilang eksena na magkasama, hindi siya napag-iwanan ng magaling na aktres. Nagawa niyang sumabay sa mga "kaeklatan" ni Jean, earning her the praise of both the movies director and the moviegoers.