May bago nang iidolohin
October 3, 2003 | 12:00am
Hindi na nakakapagtaka ang mabilis na pagsikat ng tinagurian ngayong pop princess na si Sarah Geronimo. Ito ay sa tulong ng Viva sa pangunguna ng kanyang manager na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus.
Matapos manalo si Sarah sa Star For A Night, nakita ng Viva ang potential ni Sarah para maging isang malaking artista.
Hindi nagkamali ang Viva. Dahil ang kanyang first major concert bukas, Sabado sa Music Museum, sold out na ang ticket kaya nag-desisyon na ang Viva na gawan ito ng repeat sa October 24.
Noong una, hindi makapaniwala si Sarah sa nangyayari sa career niya.
"Sobrang excited na ako," sabi niya na bukod sa nasabing concert ay gold record na rin ang kanyang debut album na "Sarah Geronimo: Popstar... A Dream Come True", ibig sabihin bumenta ang nasabing album ng 50,000 copies.
Minsan daw ayon kay Sarah ay hindi niya maiwasang matulala sa mga nangyayari sa career niya. Noon daw kasi, pinapanood lang niya ang mga idolo niya na ngayon ay nakakasalamuha na niya.
"Minsan nga po kinukurot ko ang sarili ko kung totoo ba ang lahat ng nangyayaring ito o isang panaginip lang. Mabilis naman po akong sinasagot ng tatay ko na tapos na raw po kaming mangarap."
Bukod sa concert at album, busy na rin si Sarah sa paggawa ng pelikula. Kasama siya sa pelikulang Captain Barbel at Filipinas.
Hindi nagdalawang isip ang dalagang anak ni Zsazsa Padilla na si Karylle nang sabihin ng manager niyang sasabak na rin siya sa pag-arte. Kung tutuusin, hindi na bago kay Karylle ang pag-arte dahil minsan na rin siyang lumabas sa stage play na Little Mermaids.
Pero walang dapat ipag-alala ang kanyang fans dahil hindi naman niya iiwanan ang kanyang singing career. Mas naka-focus pa rin daw ang attention niya sa pagkanta kesa sa pag-arte.
Member siya ng choir sa istorya ng Twin Hearts ng GMA 7 kung saan makaka-partner niya si Dingdong Dantes. Nagsimula na silang mag-taping para sa kanilang episode na ang pamagat ay Sanay Laging Ganito kung saan, siya rin ang umawit ng theme song na may kaparehong pamagat.
Isasabay ni Karylle sa pag-arte sa TV ang paghahanda para sa kanyang second album. Tuluy-tuloy ang kanyang voice lesson.
Samantala, tinanong ko kung okey lang bang ikumpara siya kay Kyla na kasama niya sa SOP?
"Okey naman kami, hindi na namin iniintindi yung mga ganyang bagay. Pero hindi alam ni Kyla na idol ko siya pagdating sa singing," pagtatapat ni Karylle.
Hindi rin napipikon si Karylle sa panunukso sa kanya nang maging guest siya sa album launching ni Jed Maddela kamakailan. Bagay na bagay daw sila, comment ng mga tao. Pati sa SOP ay napansin din ang kakaiba nilang chemistry nung muli silang kumanta.
Pero ayon nga kay Karylle, sinusuportahan niya si Jed dahil may ibubuga naman ito at iisa ang kanilang manager.
Matapos ang matagal na paghihintay, inilabas na ang pinakabagong album ng Limp Bizkit na may pamagat na "Results May Vary" sa ilalim ng MCA Universal. Ang nasabing album ay unang pinarinig sa madla sa isang party sa London bago ito ini-release sa buong mundo.
Marami sa mga nakarinig sa album ay nagsasabing lalampasan pa ang tagumpay ang nauna nilang album, "Chocolate Starfish and the Hotdog Flavored Water."
Ang "Results May Vary" ay kauna-unahang album ng Limp Bizkit na kasama ang kanilang bagong gitarista na si Mike Smith na humalili sa binakante ni Wes Borland.
Matapos manalo si Sarah sa Star For A Night, nakita ng Viva ang potential ni Sarah para maging isang malaking artista.
Hindi nagkamali ang Viva. Dahil ang kanyang first major concert bukas, Sabado sa Music Museum, sold out na ang ticket kaya nag-desisyon na ang Viva na gawan ito ng repeat sa October 24.
Noong una, hindi makapaniwala si Sarah sa nangyayari sa career niya.
"Sobrang excited na ako," sabi niya na bukod sa nasabing concert ay gold record na rin ang kanyang debut album na "Sarah Geronimo: Popstar... A Dream Come True", ibig sabihin bumenta ang nasabing album ng 50,000 copies.
Minsan daw ayon kay Sarah ay hindi niya maiwasang matulala sa mga nangyayari sa career niya. Noon daw kasi, pinapanood lang niya ang mga idolo niya na ngayon ay nakakasalamuha na niya.
"Minsan nga po kinukurot ko ang sarili ko kung totoo ba ang lahat ng nangyayaring ito o isang panaginip lang. Mabilis naman po akong sinasagot ng tatay ko na tapos na raw po kaming mangarap."
Bukod sa concert at album, busy na rin si Sarah sa paggawa ng pelikula. Kasama siya sa pelikulang Captain Barbel at Filipinas.
Pero walang dapat ipag-alala ang kanyang fans dahil hindi naman niya iiwanan ang kanyang singing career. Mas naka-focus pa rin daw ang attention niya sa pagkanta kesa sa pag-arte.
Member siya ng choir sa istorya ng Twin Hearts ng GMA 7 kung saan makaka-partner niya si Dingdong Dantes. Nagsimula na silang mag-taping para sa kanilang episode na ang pamagat ay Sanay Laging Ganito kung saan, siya rin ang umawit ng theme song na may kaparehong pamagat.
Isasabay ni Karylle sa pag-arte sa TV ang paghahanda para sa kanyang second album. Tuluy-tuloy ang kanyang voice lesson.
Samantala, tinanong ko kung okey lang bang ikumpara siya kay Kyla na kasama niya sa SOP?
"Okey naman kami, hindi na namin iniintindi yung mga ganyang bagay. Pero hindi alam ni Kyla na idol ko siya pagdating sa singing," pagtatapat ni Karylle.
Hindi rin napipikon si Karylle sa panunukso sa kanya nang maging guest siya sa album launching ni Jed Maddela kamakailan. Bagay na bagay daw sila, comment ng mga tao. Pati sa SOP ay napansin din ang kakaiba nilang chemistry nung muli silang kumanta.
Pero ayon nga kay Karylle, sinusuportahan niya si Jed dahil may ibubuga naman ito at iisa ang kanilang manager.
Marami sa mga nakarinig sa album ay nagsasabing lalampasan pa ang tagumpay ang nauna nilang album, "Chocolate Starfish and the Hotdog Flavored Water."
Ang "Results May Vary" ay kauna-unahang album ng Limp Bizkit na kasama ang kanilang bagong gitarista na si Mike Smith na humalili sa binakante ni Wes Borland.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am