Sharon, Hilda, Angel: May bayad ang mga luha
October 3, 2003 | 12:00am
Kung hindi lamang dahilan sa ang producer ng Unitel Pictures ay si Tony Gloria, isang matagal nang kaibigan ni Sharon Cuneta at supervising producer ng Viva Films from 1981-87 baka hindi pa tinanggap ni Mega ang talagang kakaibang role na ginagampanan niya sa Crying Ladies, hustler, gambler, naalisan ng karapatan sa kanyang anak nang makulong siya. Pero tinangka niyang maging mabuting ina, tumanggap siya ng lahat ng uri ng trabaho mabuhay lamang ito, kasama na ang pagiging professional mourner, kasama ang mga kaibigang sina Angel Aquino at Hilda Koronel.
Si Hilda ay isang dating starlet na gustong magpelikulang muli, tinanggap niya ang trabaho para patunayang kaya pa niyang umarte. Isa rin itong act of charity dahil sumiping siya sa kaibigan ng asawa niya.
Kasama ng tatlo sa pelikula sina Ricky Davao, Eric Quizon, Raymond Bagatsing, Julie Pacheco bilang anak ni Sharon. Si Ricky ang asawa ni Sharon, lover ni Angel si Raymond at si Eric ang Tsino na nag-hire sa tatlong Crying Ladies.
Entry ang Crying Ladies sa Manila Film Festival. Si Mark Meily ang sumulat ng istorya na nanalo sa Palanca Awards. Siya rin ang direktor ng pelikula. Cinematographer si Lee Meily asawa ni Mark at may tatlo silang anak. Lees credits include Tanging Yaman at American Adobo na kinunan sa New York.
Ang Unitel Pictures ay affiliate ng Unitel Productions, Inc. Founder at president si Tony Gloria. Sa kanya rin ang Optima Digital at Pictureworks. Nung 1993 pinrodyus niya ang Gaano Kita Kamahal sa ilalim ng FilmStar banner. Nanalo ito sa Star Awards nung 1993. Ipu-promote ang Crying Ladies at ipagbibili sa US at international market ni Vincent Ting Nebrida, scriptwriter ng American Adobo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended