Ang mas pinaka-worst daw ay ang rehearsal. Imagine, according to Bong, naka-50 takes sila bago nila nakuha ang magandang angle.
Kinailangan ding mag-lose ng weight si Bong para madali siyang maka-fly sa ere. Almost three months na siyang diet. "Pero minsan nandadaya rin. Kumakain din ako at napapainom," he says. Lalo na raw nong birthday niya, hindi niya na-avoid na kumain kaya ang tendency, nag-gain siya ng 3 lbs. Ngayon 185 lbs siya kaya tama lang ang katawan niyang tingnan sa suot ni CB outfit na si Roy Red ang nag-design.
Hindi ito ang first time na nag-portray si Bong na superhero. Nauna na niyang ginawa ang Panday at ang Agimat. But according to Bong, mas challenging at the same time, scary ang Captain Barbel dahil nga lilipad siya. "Scary yung nasa air ka. Kasi may mga cases na nahuhulog sa ganito. Pero bahala na ang Diyos," sabi ni Bong.
15 feet ang taas ng nililipad niya every scene. Pero may ilan silang eksena na mas mataas pa pero ia-adjust na nila sa computer.
Sa special effects pa lang kasi, P10 million daw ang budget ng Viva.
First time daw ito in the history of Philippine cinema. Imagine nga naman, bukod sa special effects, pinagsama-sama sa pelikula sina Bong, Regine Valasquez, Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Jeffrey Quizon, Albert Martinez, Sarah Geronimo among others under the direction of Mac Alejandre.
Dream come true for Bong ang Captain Barbel dahil aside from his superhero character, for the first time makaka-partner niya si Regine na matagal na rin niyang pangarap na makasama sa pelikula. Kaya nga kino-consider na lang niyang blessing in disguise na hindi umabot sa deadline ang Imus Productions sa Metro Manila Film Festival Philippines.
Meron kasi silang kilig moments ni Regine sa space na ala-Superman ang dating.
Anyway, ayon kay Direk Mac although hindi siya ang original choice to direct the movie, ok lang sa kanya. Ang importante, na-revise ang script nang siya na ang final director.
Kaya naiba ang story. Bagong version na raw ito ng movie. Magkaiba na ang character ni Enteng at ni Captain Barbel.
Sa previous CB movie kasi, iisa lang si Enteng at Captain Barbel. Sa movie nila Bong, dalawa sila pero kung anong nararamdaman ni Captain Barbel napi-feel din ni Enteng.
Iba na rin ang mga kontrabida. Si Albert Martinez na bumubuga ng apoy at si Rufa Mae na nagiging yelo ang mga kalaban, at si Jeffrey Quizon na kasama ang mga daga sa kanyang mga eksena. Nakapag-shooting na raw sila ni Jeffrey at nag-ipon sila ng real rat - 100 all in all. Looks kadiri pero, wala naman daw nangyari kay Jeffrey.
Isa pang highlight ng movie ay gagawin nilang yelo ang La Mesa Dam. "Parang imposible pero kailangan naming magawa," avers Direk Mac.
In any case, official entry sa Metro Manila Film Festival ang Captain Barbel.
Hindi nagi-expect si Edu ng panalo pero very thankful siya sa Philippine Movie Press Club. "Siyempre very proud ako dahil imagine sa iba-ibang category ako na-nominate. Napansin nila yun ginagawa ko," sabi ni Edu in a chance interview.
"Kahit isa lang siguro ang mapanalunan ko, okey na ako, masayang-masaya na ako non," dagdag pa niya.
Actually, deserving si Edu sa nasabing nominations. Versatile naman kasi siya.
Sa MUB, nagbibigay siya ng opinyon sa mga araw-araw na pangyayari sa ating paligid, mapa-pulitika, kabuhayan at ibat ibang problema ng bayan.
Sa ASAP Mania, bagets ang dating niya dahil pawang mga bagets ang nakapaligid sa kanya kasama na ang anak na si Lucky.
Sa Ok Fine Whatever naman kung saan kasama niya sina Aga Muhlach at Bayani Agbayani, ibang klase siyang magpatawa.
Sa Showbiz Sabado, lumalabas ang pagiging isang tunay na host ni Edu. Hindi niya dinadala ang style niya sa MUB dahil showbiz naman ang usapan sa S2.
Kung matatandaan noong siyay nag-uumpisa pa lamang sa showbiz, bukod sa pag-arte ay nakilala rin si Edu bilang host ng isang late night talk show na nang kanyang iwan ay nagbigay daan sa isang Martin Nievera upang makilala rin sa larangang yon.
Katatapos lang manalo ni Edu ng Best Emcee sa Aliw Awards. Ganito rin kaya ang maging kapalaran niya sa Star Awards?