^

PSN Showbiz

Alex at Oyo Boy, live in?

-
Taliwas sa nauna kong report, Set. 30 ang first shooting day ni Alessandra de Rossi ng festival entry ng Regal Entertainment.

Nakarating sa amin ang balitang confrontation scene agad ang kukunan between Alex as Ingrid, the rebel daughter, and Lorna Tolentino, who’s portraying the role of the 3rd wife. Sa mansion nina Mother Lily Monteverde sa Greenhills kukunan ang mga eksena.

May lumabas na balita, nagli-live in na raw sina Alessandra at Oyo Boy Sotto. Madalas daw nakikita ang una kina Oyo Boy sa Ayala Heights, Quezon City.

Pinabulaanan ito ni Alex. "Magkaibigan na kami ni Danica (Sotto) bago pa man ako ma-link kay Oyo Boy. Madalas na ako sa kanila lalo na kapag wala akong trabaho. At saka bakit ko naman gagawin yun samantalang may takot pa naman ako sa parents ko, ’no!

Two shooting days na lang at tapos na ni Alex ang Kidlat Ngayon nila ni Mikey Arroyo. Anak-anakan siya ng tatlong nalaos na superheroes at ang mga ito ang nagbigay ng super powers kay Mikey para maging si Kidlat.

Si Gwen Garci ang kontrabida sa movie at tulad ni Mikey, nakasuot din siya ng costume. May mga eksena ritong fantasy at initial offering ng Dreamworld Invention Productions, sa direksyon ni William Mayo. — Ben Dela Cruz

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

AYALA HEIGHTS

BEN DELA CRUZ

DREAMWORLD INVENTION PRODUCTIONS

GWEN GARCI

KIDLAT NGAYON

LORNA TOLENTINO

MADALAS

OYO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with