May nakapagbulong sa akin na gumagamit ng contraceptive ang young star na ito kaya hindi ito mabubuntis.
Ang young star ay mainstay ng isang soap opera at madaling nakilala dahil sa rami ng ini-endorsong produkto. Samantalang ang boyfriend naman niya ay alaga ng isang network.
Samantala, nalulungkot si Binoe sa pagkamatay ni Ate Luds Carvajal dahil naging malapit sila sa isat isa. Hinding-hindi nito malilimutan ang namayapang TV host.
Halos wala na ngang pahinga ang seksing aktres dahil bukod sa mga TV shows gaya ng Home Along Da Airport at MTB ay ratsada pa rin ito sa paggawa ng pelikula. Katatapos lang nitong gawin ang dalawang pelikula sa Regal.
Isang ampon ang papel na gagampanan nito sa pelikula. Kung matatandaan, nagkaroon ng intriga noon sa actress na ampon din at sinasabing di siya tunay na anak ni Dorothy Laforteza.
Excited si Sunshine dahil makakatrabaho niya ang magagaling na artista gaya nina Armida Siguion Reyna, Dawn Zulueta, Aiko Melendez, Maricel Soriano at Richard Gomez.
Sa kabilang banda, nagpa-tattoo sa binti si Sunshine na parang anklet. Nakausap namin si Dorothy at inaming nagalit siya dahil hindi siya pabor sa pagpapa-tattoo ng kanyang anak.
Nabigyan agad ito ng magandang break sa Kapitan Kidlat na tinatampukan ni Mikey Arroyo. Kapatid ni Safeeya si Alessandra de Rossi sa movie at nag-aagawan sila sa pagmamahal ni Kapitan Kidlat. Nakalinya na ang Six in the City kung saan isa siya sa mga bidang aktres.
Kaiba ito sa mga baguhan dahil ayaw maghubad ni Safeeya at di payag kahit magkaroon ng breast exposure.
Paborito niya si Donita Rose at Gloria Romero. Gusto nitong makatapos ng kurso kaya kahit busy ngayon sa syuting ay nag-aaral ito under DECS Study Program kung saan third year high school na ang magandang teener.