Gumagamit ng birth controll pills ang young actor
October 2, 2003 | 12:00am
Sikat ang mestisang young star na ito na may maamong mukha, may nobyo ito sa ngayon na sikat ding young actor. Ilang beses na rin itong naiintriga na may milagro silang ginagawa ng kanyang boyfriend kahit sa loob ng van.
May nakapagbulong sa akin na gumagamit ng contraceptive ang young star na ito kaya hindi ito mabubuntis.
Ang young star ay mainstay ng isang soap opera at madaling nakilala dahil sa rami ng ini-endorsong produkto. Samantalang ang boyfriend naman niya ay alaga ng isang network.
Ayon sa isang malapit kay Robin Padilla, ayaw daw magbigay ng pahayag ang aktor tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa awayang Kris at Joey. Tatahimik na lang daw ito sa isyu dahil nakaraan na naman ang relasyon nila ng TV host.
Samantala, nalulungkot si Binoe sa pagkamatay ni Ate Luds Carvajal dahil naging malapit sila sa isat isa. Hinding-hindi nito malilimutan ang namayapang TV host.
Ayon kay Aubrey Miles, sa dami ng lalaking nali-link sa kanya gaya nina Lucky Manzano, Troy Montero, Willie Revillame at John Prats ay wala pa siyang sinasagot sa mga ito. Katunayan ay wala pa siyang boyfriend ayon pa sa aktres. Sa rami ng kanyang showbiz commitment ay wala na raw siyang oras sa kanyang magiging nobyo.
Halos wala na ngang pahinga ang seksing aktres dahil bukod sa mga TV shows gaya ng Home Along Da Airport at MTB ay ratsada pa rin ito sa paggawa ng pelikula. Katatapos lang nitong gawin ang dalawang pelikula sa Regal.
Nagkatrabaho na sina Joel Lamangan at Sunshine Dizon sa soap operang Kung Mawawala Ka. Hanga ang director sa galing umarte ng young actress kaya naman inirekomenda ni Direk Joel na mapasama ang actress sa Filipinas na entry ng Viva Films sa MMFF.
Isang ampon ang papel na gagampanan nito sa pelikula. Kung matatandaan, nagkaroon ng intriga noon sa actress na ampon din at sinasabing di siya tunay na anak ni Dorothy Laforteza.
Excited si Sunshine dahil makakatrabaho niya ang magagaling na artista gaya nina Armida Siguion Reyna, Dawn Zulueta, Aiko Melendez, Maricel Soriano at Richard Gomez.
Sa kabilang banda, nagpa-tattoo sa binti si Sunshine na parang anklet. Nakausap namin si Dorothy at inaming nagalit siya dahil hindi siya pabor sa pagpapa-tattoo ng kanyang anak.
Maganda ang baguhang aktres na ipinakilala sa amin ni Jojo Veloso na alaga niya. Itoy si Safeeya kung saan ang ama ay taga-Bahrain. Mukha itong Bombay. Matangkad sa edad niyang disisyete at may seksing pangangatawan.
Nabigyan agad ito ng magandang break sa Kapitan Kidlat na tinatampukan ni Mikey Arroyo. Kapatid ni Safeeya si Alessandra de Rossi sa movie at nag-aagawan sila sa pagmamahal ni Kapitan Kidlat. Nakalinya na ang Six in the City kung saan isa siya sa mga bidang aktres.
Kaiba ito sa mga baguhan dahil ayaw maghubad ni Safeeya at di payag kahit magkaroon ng breast exposure.
Paborito niya si Donita Rose at Gloria Romero. Gusto nitong makatapos ng kurso kaya kahit busy ngayon sa syuting ay nag-aaral ito under DECS Study Program kung saan third year high school na ang magandang teener.
Slim ngayon si Aiko Melendez at higit na maganda nang aming makita sa presscon ng Filipinas. May nakapagbulong sa amin na may masugid itong manliligaw ngayon mula sa Norte at isang napakabatang alkalde. Higit sa lahat, binata ito at handa siyang pakasalan. Tuluy-tuloy ang pagpapadala nito ng bulaklak sa magandang konsehala. Hindi kami magtataka kung bakit blooming these days si Aiko.
May nakapagbulong sa akin na gumagamit ng contraceptive ang young star na ito kaya hindi ito mabubuntis.
Ang young star ay mainstay ng isang soap opera at madaling nakilala dahil sa rami ng ini-endorsong produkto. Samantalang ang boyfriend naman niya ay alaga ng isang network.
Samantala, nalulungkot si Binoe sa pagkamatay ni Ate Luds Carvajal dahil naging malapit sila sa isat isa. Hinding-hindi nito malilimutan ang namayapang TV host.
Halos wala na ngang pahinga ang seksing aktres dahil bukod sa mga TV shows gaya ng Home Along Da Airport at MTB ay ratsada pa rin ito sa paggawa ng pelikula. Katatapos lang nitong gawin ang dalawang pelikula sa Regal.
Isang ampon ang papel na gagampanan nito sa pelikula. Kung matatandaan, nagkaroon ng intriga noon sa actress na ampon din at sinasabing di siya tunay na anak ni Dorothy Laforteza.
Excited si Sunshine dahil makakatrabaho niya ang magagaling na artista gaya nina Armida Siguion Reyna, Dawn Zulueta, Aiko Melendez, Maricel Soriano at Richard Gomez.
Sa kabilang banda, nagpa-tattoo sa binti si Sunshine na parang anklet. Nakausap namin si Dorothy at inaming nagalit siya dahil hindi siya pabor sa pagpapa-tattoo ng kanyang anak.
Nabigyan agad ito ng magandang break sa Kapitan Kidlat na tinatampukan ni Mikey Arroyo. Kapatid ni Safeeya si Alessandra de Rossi sa movie at nag-aagawan sila sa pagmamahal ni Kapitan Kidlat. Nakalinya na ang Six in the City kung saan isa siya sa mga bidang aktres.
Kaiba ito sa mga baguhan dahil ayaw maghubad ni Safeeya at di payag kahit magkaroon ng breast exposure.
Paborito niya si Donita Rose at Gloria Romero. Gusto nitong makatapos ng kurso kaya kahit busy ngayon sa syuting ay nag-aaral ito under DECS Study Program kung saan third year high school na ang magandang teener.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended