Panahon na naman ng
Star Awards at sa Oktubre 11 na idaraos ang pagbibigay parangal sa mga taga-TV. Swerte namang naging nominado ang palabas kong
Master Showman Presents para sa kategoryang variety show. Kalaban ko ang
SOP at
ASAP na alam naman nating ginagastusan ng network para mapaganda at makaungos sa isat isa. Magkatapat kasi ang mga programa kaya direktang magkalaban.
Ang
Master Showman Presents ay isa lamang simpleng palabas na may kakaunting budget. Wala itong pretensyon, layunin lang namin ay makapagbigay ng nakakaaliw na palabas sa mga di pa natutulog sa oras na kami ay on air. Ano ang laban ko sa dalawang higanteng palabas pero, nagpapasalamat na rin ako sa
PMPC for the nomination. Ako naman ay nailagay na nila sa
Hall of Fame sa mga nauna kong shows sa
GMA.
Kapuri-puri naman itong si
Onemig Bondoc na tumawag para humingi ng paumanhin dahil matagal na niya kaming di nadadalaw. Sabi ko, sana mag-try siya sa aking b-day presentation at nangako naman siya na kung di siya magiging masyadong abala o kung di matapat ng kanyang mga tapings ang aking celebration, darating at darating siya.
Happy ako para kay Uno dahil sa ipinakikita niyang professionalism sa pag-tackle ng kanyang gay role sa
Buttercup. Inamin niya na dahil dito ay nagkakaroon siya ng intriga pero, sinabi ko sa kanyang huwag paaapekto. Ang mga tulad namin ay laman ng tsismis. Ito ang mundo namin. Hanggat nananatiling tsismis lamang ang mga intriga, wala kaming dapat alalahanin, di ba Uno?
Nasa radyo na rin si Cong.
Imee Marcos, mapapakinggan siya tuwing Sabado, 11 ng umaga sa
DZBB. Interesting ang programa niya, nagbibigay ng payo sa mga humihingi, tumutulong sa mga nangangailangan at nago-offer ng livelihood. May audience participation pa siya, pwedeng sumali ang mga nakikinig sa kanilang talakayan.
Kasama ni Imee sa radyo si
Shalala, ang aking alalay sa aking programa rin sa radyo. Ipinahiram ko muna sa kanya para siya alalayan.
May bagong film outfit at hindi nakapagtataka kung bold ang una nilang pelikula dahil sabi ng producer ng
Vincent Films ay kinakailangan muna nilang kumita sa kanilang mga early ventures para mapahaba ang kanilang pisi. Kapag nagawa nila ito, saka sila gagawa ng mga award winning movies. Hindi naman daw nila intensyon na maging bold movie producer sa habang panahon. Gusto rin nilang mag-graduate sa bold movies. Gusto rin nilang magawang aktres ang mga sexy stars nila na mayroon ding talino sa pag-arte pero, nagpapa-expose lang muna.
Katas ang unang pelikula nila. Starring sina
Maye Tongco, Rajah Montero at
Yani Garcia kasama sina
Emilio Garcia, Mark Dionisio at
Ian Muñoz. Promise na kapag may pera na kayo, gagawa rin kayo ng de kalidad na pelikula, hah!?