Master Showman vs SOP,ASAP.Ano bang laban ko ?
October 1, 2003 | 12:00am
Panahon na naman ng Star Awards at sa Oktubre 11 na idaraos ang pagbibigay parangal sa mga taga-TV. Swerte namang naging nominado ang palabas kong Master Showman Presents para sa kategoryang variety show. Kalaban ko ang SOP at ASAP na alam naman nating ginagastusan ng network para mapaganda at makaungos sa isat isa. Magkatapat kasi ang mga programa kaya direktang magkalaban.
Ang Master Showman Presents ay isa lamang simpleng palabas na may kakaunting budget. Wala itong pretensyon, layunin lang namin ay makapagbigay ng nakakaaliw na palabas sa mga di pa natutulog sa oras na kami ay on air. Ano ang laban ko sa dalawang higanteng palabas pero, nagpapasalamat na rin ako sa PMPC for the nomination. Ako naman ay nailagay na nila sa Hall of Fame sa mga nauna kong shows sa GMA.
Kapuri-puri naman itong si Onemig Bondoc na tumawag para humingi ng paumanhin dahil matagal na niya kaming di nadadalaw. Sabi ko, sana mag-try siya sa aking b-day presentation at nangako naman siya na kung di siya magiging masyadong abala o kung di matapat ng kanyang mga tapings ang aking celebration, darating at darating siya.
Happy ako para kay Uno dahil sa ipinakikita niyang professionalism sa pag-tackle ng kanyang gay role sa Buttercup. Inamin niya na dahil dito ay nagkakaroon siya ng intriga pero, sinabi ko sa kanyang huwag paaapekto. Ang mga tulad namin ay laman ng tsismis. Ito ang mundo namin. Hanggat nananatiling tsismis lamang ang mga intriga, wala kaming dapat alalahanin, di ba Uno?
Nasa radyo na rin si Cong. Imee Marcos, mapapakinggan siya tuwing Sabado, 11 ng umaga sa DZBB. Interesting ang programa niya, nagbibigay ng payo sa mga humihingi, tumutulong sa mga nangangailangan at nago-offer ng livelihood. May audience participation pa siya, pwedeng sumali ang mga nakikinig sa kanilang talakayan.
Kasama ni Imee sa radyo si Shalala, ang aking alalay sa aking programa rin sa radyo. Ipinahiram ko muna sa kanya para siya alalayan.
May bagong film outfit at hindi nakapagtataka kung bold ang una nilang pelikula dahil sabi ng producer ng Vincent Films ay kinakailangan muna nilang kumita sa kanilang mga early ventures para mapahaba ang kanilang pisi. Kapag nagawa nila ito, saka sila gagawa ng mga award winning movies. Hindi naman daw nila intensyon na maging bold movie producer sa habang panahon. Gusto rin nilang mag-graduate sa bold movies. Gusto rin nilang magawang aktres ang mga sexy stars nila na mayroon ding talino sa pag-arte pero, nagpapa-expose lang muna.
Katas ang unang pelikula nila. Starring sina Maye Tongco, Rajah Montero at Yani Garcia kasama sina Emilio Garcia, Mark Dionisio at Ian Muñoz.
Promise na kapag may pera na kayo, gagawa rin kayo ng de kalidad na pelikula, hah!?
Ang Master Showman Presents ay isa lamang simpleng palabas na may kakaunting budget. Wala itong pretensyon, layunin lang namin ay makapagbigay ng nakakaaliw na palabas sa mga di pa natutulog sa oras na kami ay on air. Ano ang laban ko sa dalawang higanteng palabas pero, nagpapasalamat na rin ako sa PMPC for the nomination. Ako naman ay nailagay na nila sa Hall of Fame sa mga nauna kong shows sa GMA.
Happy ako para kay Uno dahil sa ipinakikita niyang professionalism sa pag-tackle ng kanyang gay role sa Buttercup. Inamin niya na dahil dito ay nagkakaroon siya ng intriga pero, sinabi ko sa kanyang huwag paaapekto. Ang mga tulad namin ay laman ng tsismis. Ito ang mundo namin. Hanggat nananatiling tsismis lamang ang mga intriga, wala kaming dapat alalahanin, di ba Uno?
Kasama ni Imee sa radyo si Shalala, ang aking alalay sa aking programa rin sa radyo. Ipinahiram ko muna sa kanya para siya alalayan.
Katas ang unang pelikula nila. Starring sina Maye Tongco, Rajah Montero at Yani Garcia kasama sina Emilio Garcia, Mark Dionisio at Ian Muñoz.
Promise na kapag may pera na kayo, gagawa rin kayo ng de kalidad na pelikula, hah!?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am