Daboy, Ipe at Doods rekomendado ni Bong na kapalit niya sa VRB
October 1, 2003 | 12:00am
Even the falling of a leaf has a reason, ito bale ang mga paboritong kataga ni Ate Luds (Inday Badiday) na madalas niyang i-share sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na ipinamana sa kanilang magkakapatid ng kanilang ina nung itoy nabubuhay pa, si Gng. Maria Clara Vega-Jimenez. Ang isa pang madalas ipaalala ni Ate Luds sa kanyang mga kaibigan ay ang warning na "Mag-ingat sa mga taong hindi mo kilala at lalong mag-ingat sa mga taong kilala mo na" na nahugot niya sa personal experiences niya sa showbiz.
Noong nabubuhay pa si Ate Luds, marami rin siyang pinagdaanang ups and downs sa kanyang personal at professional life. Marami rin siyang kontrobersya at unos na pinagdaanan pero buong tapang niya itong hinaharap. Ang buhay niya ay hindi rin kakaiba sa mga taong kanyang ibinabalita sa kanyang mga programa sa radio at telebisyon. Sa halos tatlong dekada ni Ate Luds sa radio at telebisyon, naging kakambal na rin niya ang mga kontrobersya lalo pat ito ang madalas niyang tinatalakay sa kanyang mga programa.
Unang nagkaroon si Ate Luds ng showbiz talk show nung dekada 70 na kanyang sinimulan sa Nothing But the Truth hanggang sa itoy mapalitan ng Would You Believe na muling napalitan ng See True. Ang See True ay tumagal ng walang taon sa ere hanggang sa paglipat ni Ate Luds sa GMA na nagbigay sa kanyang ng daily show na Eye to Eye at isang once-a-week show na Face to Face. Hindi tumagal sa ere ang Face to Face pero umabot naman ng 10 taon ang Eye to Eye bago ito tuluyang nawala in 1996. Ilang taon ding nabakante si Ate Luds sa telebisyon at muli siyang nagkaroon ng panibagong programa sa RPN-9, ang The Truth and Nothing But na tumagal lamang ng isang season. Early this year, muli siyang nagkaroon ng sarili niyang programa sa GMA, ang Heart to Heart na produced ng kanyang longtime friend na si Kitchie Benedicto. Kung kelan papunta na sa kanyang ikalawang season ang Heart to Heart ay saka naman iginupo si Ate Luds ng kanyang sakit sa kidney. Bago pa man niya simulan ang kanyang huling talk show ay regular na siyang sumasailalim ng dialysis treatment at nung gabi ng August 19, nagkaroon si Ate Luds na mild stroke na siyang dahilan para isugod siyang muli sa pagamutan. Nag-deteriorate ang kalagayan ni Ate Luds sa mga sumunod na araw at hindi na siya naalis sa Intensive Care Unit (ICU) ng St. Lukes. Labinlimang magkakaibigang espesyalista ang tumitingin sa kanya pero may hangganan din ang kanilang kakayahan. Nung ika-6 ng gabi ng September 26 (Biyernes), sumakabilang-buhay si Ate Luds.
Kilala si Ate Luds sa pagiging isang masayahing tao. Ayaw niyang may iiyak sa kanyang burol. Maging ang kanyang kasuotan sa loob ng kanyang kabaong ay kulay pula, isang masayang kulay. Kung gaano siya katagal na nayakap ng kanyang bunsong anak na si Clara nang siyay malagutan ng hininga ay hindi naman nito makayang tingnan ang kanyang ina sa loob ng kabaong. Magmula nang dalhin ang mga labi ni Ate Luds sa chapel ng Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City ay hindi makuhang tingnan ni Clara ang kanyang mommy.
Si Clara ang dahilan kung bakit gusto pa niyang mabuhay ng matagal dahil gusto ni Ate Luds na makapagtapos ito ng pag-aaral at nasa maganda nang estado bago man lamang siya mawala. Pero hindi na nahintay ni Ate Luds ang pagtatapos ni Clara na nasa first year college pa lamang.
Si Ate Luds ay hindi rin iba sa mga karaniwang ina na nagnanais na mapabuti ang kanyang mga anak. Alam niyang kaya na nina Dolly Ann at Ricky Boy ang mamuhay nang sarili pero alam niyang hindi pa handa ang kanyang si Clara.
Tulad ng mga artista na siyang paboritong paksain ni Ate Luds sa kanyang mga programa sa radio at relebisyon, naging bukas na aklat din ang buhay niya sa publiko maging ang kanyang lovelife. Maagang nahiwalay si Ate Luds sa kanyang mister na si Ernie Carvajal (ama nina Dolly Ann at Ricky Boy) at may iba pa siyang naka-relasyon bago nag-krus ang landas nila ni Direk Gene Palomo kung kanino nagkaroon ng anak si Ate Luds, si Clara (18).
Dumating din sa punto na nagkahiwalay sila ng landas ni Direk Gene pero muli silang nagkabalikan nang magkasakit si Ate Luds. Since then, hindi na hiniwalayan ni Direk Gene si Ate Luds hanggang sa huling sandali nito, isang bagay na aming sinasaluduhan. Kung ilang beses naglabas-masok ng pagamutan si Ate Luds ay matiyagang nakabantay sa kanya si Direk Gene. Sa mahigit isang buwan ni Ate Luds sa ICU ng St. Lukes Medical Center, hindi ito halos umaalis sa tabi ni Ate Luds.
Nung buhay pa si Ate Luds at nakakapagsalita pa, marami siyang mga katanungan na naghihintay ng mga kasagutan pero hindi niya pwedeng kuwestyunin ang kagustuan ng Diyos kaya ang lahat ay kanya na lamang ipinaubaya sa Itaas. Bigla niyang naalaala ang pamanang anekdota ng kanyang yumaong ina, "even the falling of a leaf has a reason" kaya hindi na siya nagtanong muli. May dahilan kung bakit ito nangyari sa kanya.
Maituturing na isang legend si Ate Luds sa larangan ng telebisyon. Siya bale ang reyna ng showbiz talk shows na kanyang pinagreynahan sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Nawala man si Ate Luds, ang kanyang alaala ay mananatili sa puso at isipan ng mga taong kanyang pinasaya at natulungan.
Si Ate Luds ay nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan bukas Huwebes (Oct. 2) sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque pagkatapos ng alas-2 ng misa sa Sanctuario de San Santonio Chapel sa Forbes Park, Makati City.
Sa burol ni Ate Luds nung Sabado ng gabi, saglit naming nakakwentuhan ang VRB chairman na si Bong Revilla at personal nitong kunumpirma sa amin ang kanyang planong pagtakbo sa pagka-senador sa darating na May elections. Bilang paghahanda, nag-enrol si Bong sa Development Academy of the Philippines kung saan siya kumukuha ng crash course in Political Science.
Kapag nag-file na siya ng kanyang kandidatura sa buwan ng Disyembre, iiwanan na niya ang kanyang trabaho sa Videogram Regulatory Board at tatlong pangalan ang kanyang isinumite sa pangulo bilang kanyang kahalili - ang mga pangalan ng kanyang mga kaibigang sina Rudy Fernandez, Edu Manzano at Phillip Salvador pero nasa pangulo ang pinal na pagpapasya kung sino sa tatlo ang kanyang ipapalit sa pwestong iiwanan ni Bong.
Magpapatuloy ba si Bong sa kanyang showbiz career sakaling mahalal siyang senador?
"Hindi ko iiwanan ang showbiz dahil diyan ko kukunin ang ipapakain ko sa aking pamilya. Pero sisikapin ko naman na hindi ko mapapabayaan ang trabaho ko sa senado sakali akong mahalal dahil gagawin ko lamang ito kapag walang sesyon," paliwanag pa ng future senator.
Kung nagluluksa ang industrya ng pelikulang Pilipino sa maagang pagyao ng radio at TV host na si Inday Badiday, nababalutan naman ang showbiz ng kontrobersiya dahil sa patuloy na iskandalong namagitan sa dating live-in lovers na sina Paranaque Mayor Joey Marquez at TV host-actress na si Kris Aquino na sa mapait nagtapos ang relasyon.
Kung shocking ang mga naging rebelasyon ni Kris laban sa dati niyang kasintahan, hindi alam ng publiko kung saan hahantong at magtatapos ang lahat na akusasayon ng TV host actress sa kanyang dating komedyanteng-politician lover whose political career is now on the line.
Sana lang, kung paano sila nagmahalan ay makatagpo sila ng kapatawaran sa kanilang mga puso para matapos na ang lahat dahil habang patuloy ang gulong ito sa kanilang pagitan, damay ang kanilang respective families at maging ang kanilang trabaho.
<a_amoyo@ pimsi.net>
Noong nabubuhay pa si Ate Luds, marami rin siyang pinagdaanang ups and downs sa kanyang personal at professional life. Marami rin siyang kontrobersya at unos na pinagdaanan pero buong tapang niya itong hinaharap. Ang buhay niya ay hindi rin kakaiba sa mga taong kanyang ibinabalita sa kanyang mga programa sa radio at telebisyon. Sa halos tatlong dekada ni Ate Luds sa radio at telebisyon, naging kakambal na rin niya ang mga kontrobersya lalo pat ito ang madalas niyang tinatalakay sa kanyang mga programa.
Unang nagkaroon si Ate Luds ng showbiz talk show nung dekada 70 na kanyang sinimulan sa Nothing But the Truth hanggang sa itoy mapalitan ng Would You Believe na muling napalitan ng See True. Ang See True ay tumagal ng walang taon sa ere hanggang sa paglipat ni Ate Luds sa GMA na nagbigay sa kanyang ng daily show na Eye to Eye at isang once-a-week show na Face to Face. Hindi tumagal sa ere ang Face to Face pero umabot naman ng 10 taon ang Eye to Eye bago ito tuluyang nawala in 1996. Ilang taon ding nabakante si Ate Luds sa telebisyon at muli siyang nagkaroon ng panibagong programa sa RPN-9, ang The Truth and Nothing But na tumagal lamang ng isang season. Early this year, muli siyang nagkaroon ng sarili niyang programa sa GMA, ang Heart to Heart na produced ng kanyang longtime friend na si Kitchie Benedicto. Kung kelan papunta na sa kanyang ikalawang season ang Heart to Heart ay saka naman iginupo si Ate Luds ng kanyang sakit sa kidney. Bago pa man niya simulan ang kanyang huling talk show ay regular na siyang sumasailalim ng dialysis treatment at nung gabi ng August 19, nagkaroon si Ate Luds na mild stroke na siyang dahilan para isugod siyang muli sa pagamutan. Nag-deteriorate ang kalagayan ni Ate Luds sa mga sumunod na araw at hindi na siya naalis sa Intensive Care Unit (ICU) ng St. Lukes. Labinlimang magkakaibigang espesyalista ang tumitingin sa kanya pero may hangganan din ang kanilang kakayahan. Nung ika-6 ng gabi ng September 26 (Biyernes), sumakabilang-buhay si Ate Luds.
Kilala si Ate Luds sa pagiging isang masayahing tao. Ayaw niyang may iiyak sa kanyang burol. Maging ang kanyang kasuotan sa loob ng kanyang kabaong ay kulay pula, isang masayang kulay. Kung gaano siya katagal na nayakap ng kanyang bunsong anak na si Clara nang siyay malagutan ng hininga ay hindi naman nito makayang tingnan ang kanyang ina sa loob ng kabaong. Magmula nang dalhin ang mga labi ni Ate Luds sa chapel ng Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City ay hindi makuhang tingnan ni Clara ang kanyang mommy.
Si Clara ang dahilan kung bakit gusto pa niyang mabuhay ng matagal dahil gusto ni Ate Luds na makapagtapos ito ng pag-aaral at nasa maganda nang estado bago man lamang siya mawala. Pero hindi na nahintay ni Ate Luds ang pagtatapos ni Clara na nasa first year college pa lamang.
Si Ate Luds ay hindi rin iba sa mga karaniwang ina na nagnanais na mapabuti ang kanyang mga anak. Alam niyang kaya na nina Dolly Ann at Ricky Boy ang mamuhay nang sarili pero alam niyang hindi pa handa ang kanyang si Clara.
Tulad ng mga artista na siyang paboritong paksain ni Ate Luds sa kanyang mga programa sa radio at relebisyon, naging bukas na aklat din ang buhay niya sa publiko maging ang kanyang lovelife. Maagang nahiwalay si Ate Luds sa kanyang mister na si Ernie Carvajal (ama nina Dolly Ann at Ricky Boy) at may iba pa siyang naka-relasyon bago nag-krus ang landas nila ni Direk Gene Palomo kung kanino nagkaroon ng anak si Ate Luds, si Clara (18).
Dumating din sa punto na nagkahiwalay sila ng landas ni Direk Gene pero muli silang nagkabalikan nang magkasakit si Ate Luds. Since then, hindi na hiniwalayan ni Direk Gene si Ate Luds hanggang sa huling sandali nito, isang bagay na aming sinasaluduhan. Kung ilang beses naglabas-masok ng pagamutan si Ate Luds ay matiyagang nakabantay sa kanya si Direk Gene. Sa mahigit isang buwan ni Ate Luds sa ICU ng St. Lukes Medical Center, hindi ito halos umaalis sa tabi ni Ate Luds.
Nung buhay pa si Ate Luds at nakakapagsalita pa, marami siyang mga katanungan na naghihintay ng mga kasagutan pero hindi niya pwedeng kuwestyunin ang kagustuan ng Diyos kaya ang lahat ay kanya na lamang ipinaubaya sa Itaas. Bigla niyang naalaala ang pamanang anekdota ng kanyang yumaong ina, "even the falling of a leaf has a reason" kaya hindi na siya nagtanong muli. May dahilan kung bakit ito nangyari sa kanya.
Maituturing na isang legend si Ate Luds sa larangan ng telebisyon. Siya bale ang reyna ng showbiz talk shows na kanyang pinagreynahan sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Nawala man si Ate Luds, ang kanyang alaala ay mananatili sa puso at isipan ng mga taong kanyang pinasaya at natulungan.
Si Ate Luds ay nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan bukas Huwebes (Oct. 2) sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque pagkatapos ng alas-2 ng misa sa Sanctuario de San Santonio Chapel sa Forbes Park, Makati City.
Kapag nag-file na siya ng kanyang kandidatura sa buwan ng Disyembre, iiwanan na niya ang kanyang trabaho sa Videogram Regulatory Board at tatlong pangalan ang kanyang isinumite sa pangulo bilang kanyang kahalili - ang mga pangalan ng kanyang mga kaibigang sina Rudy Fernandez, Edu Manzano at Phillip Salvador pero nasa pangulo ang pinal na pagpapasya kung sino sa tatlo ang kanyang ipapalit sa pwestong iiwanan ni Bong.
Magpapatuloy ba si Bong sa kanyang showbiz career sakaling mahalal siyang senador?
"Hindi ko iiwanan ang showbiz dahil diyan ko kukunin ang ipapakain ko sa aking pamilya. Pero sisikapin ko naman na hindi ko mapapabayaan ang trabaho ko sa senado sakali akong mahalal dahil gagawin ko lamang ito kapag walang sesyon," paliwanag pa ng future senator.
Kung shocking ang mga naging rebelasyon ni Kris laban sa dati niyang kasintahan, hindi alam ng publiko kung saan hahantong at magtatapos ang lahat na akusasayon ng TV host actress sa kanyang dating komedyanteng-politician lover whose political career is now on the line.
Sana lang, kung paano sila nagmahalan ay makatagpo sila ng kapatawaran sa kanilang mga puso para matapos na ang lahat dahil habang patuloy ang gulong ito sa kanilang pagitan, damay ang kanilang respective families at maging ang kanilang trabaho.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended