Lucky Manzano hubad sa magasin

Usap-usapan sa showbiz at sa mga taga-ikatlong lahi ang pagpapakuha ng hubad ng young actor-VJ na si Lucky Manzano para sa isang glossy magazine kasama ang iba pang celebrities sa sports at modelling. Bagama’t hindi naman bastos ang shot, ito’y umani pa rin ng sari-saring pansin lalo na’t hindi natin akalaing gagawin ito ng anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Bakit nga ba ginawa ito ni Lucky samantalang hindi niya na ito kailangan para sumikat dahil kahit papaano’y may pangalan na siya, di ba? Hindi kaya ito makasira sa wholesome image na pino-project niya lalo na’t may mga consumer products siyang ini-endorse?

Balita namin ay sold out na ang naturang glossy magazine kung saan nandoon si Lucky. Pero ang tanong: makakatulong kaya ito sa career niya? Dennis Adobas

Show comments