Maraming nagsasabi na malaki ang nagawa ni Glydel Mercado sa malaking pagbabago ni Tonton at sa haba ng kanilang relasyon ay naging matatag ang kanilang pagmamahalan.
Never na na-link ang pangalan ng aktor sa leading lady sapul nang maging nobya ang magaling na aktres.
Early next year ay pakakasal na ang dalawa.
Boto kay Glydel ang pamilya ni Tonton dahil nakatitiyak silang mabuti itong asawa at ina ng magiging anak nila.
Pero saludo kami sa ginawa ni Kris. Hindi nito inalintana na makasisira sa kanyang reputasyon o sa kanyang pamilya ang ginawa nitong pagbubulgar. Sa kasikatang tinatamasa ni Kris ay winalang-halaga nito ang kahihiyang makatikim ng kamao at panunutok ng baril ng kanyang mahal.
Hanga kami sa tv host dahil ngayon ay binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga kababaihan natin lalo na sa temang domestic violence ay magsisilbi itong magandang halimbawa para ibulgar kung sakaling nakararanas sila ng pananakit ng asawa o nobyo. Mayroon bang maglalakas ng loob para sabihing binubugbog siya ng kabiyak lalo na kung pareho silang sikat na celebrities?
Tama ang ginawa mo Kris, lalo na ngayon at nagtatag na ng Womens Desk ang ating bansa sa ibat ibang lugar para maging sumbungan ng mga kababaihang nakakaranas ng domestic violence.
Sa kabilang banda, nagkaroon din ngayon ng awareness ang publiko tungkol sa sexually transmitted disease (STD). Kung di pa nagtapat si Kris tungkol sa paghahawa sa kanya ni Joey ng STD ay wala tayong matatanggap na impormasyon tungkol sa STD na ipinakakalat ngayon gayundin sa telebisyon na tinatalakay ng mga doctor.
Ang October ay domestic violence month at sa aming palagay karamihan nang nagsusumbong tungkol sa karahasan ay nanggagaling sa mababang lipunan, never na nagsasalita ang mga mayayaman na nakakaranas ng domestic violence dahil makakasira sa dignidad ng pagkababae nila. Sa puntong ito, kamiy saludo sa tapang at lakas ng loob na ipinakita ni Kris sa sambayanang Pilipino.
Ang aktres naman ay myembro ng isang grupo ng mga sexy stars na pambato ng isang movie company.