^

PSN Showbiz

Tonton, maswerte kay Glydel

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kung matatandaan, naging drug user din noon si Tonton Gutierrez pero ganap na nagbago at naging dedicated sa kanyang trabaho kaya ratsada ang career ngayon.

Maraming nagsasabi na malaki ang nagawa ni Glydel Mercado sa malaking pagbabago ni Tonton at sa haba ng kanilang relasyon ay naging matatag ang kanilang pagmamahalan.

Never na na-link ang pangalan ng aktor sa leading lady sapul nang maging nobya ang magaling na aktres.

Early next year ay pakakasal na ang dalawa.

Boto kay Glydel ang pamilya ni Tonton dahil nakatitiyak silang mabuti itong asawa at ina ng magiging anak nila.
Domestic Violence Month
Nahahati ang paniniwala ng karamihan kung dapat bang isiwalat ni Kris Aquino ang iskandalo sa pagitan nila ni Mayor Joey Marquez. May nagsasabi na hindi na dapat pang ibinandera ni Kris ang baho sa kanilang pag-aaway lalo na at nabibilang ito sa iginagalang at mataas na angkan.

Pero saludo kami sa ginawa ni Kris. Hindi nito inalintana na makasisira sa kanyang reputasyon o sa kanyang pamilya ang ginawa nitong pagbubulgar. Sa kasikatang tinatamasa ni Kris ay winalang-halaga nito ang kahihiyang makatikim ng kamao at panunutok ng baril ng kanyang mahal.

Hanga kami sa tv host dahil ngayon ay binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga kababaihan natin lalo na sa temang domestic violence ay magsisilbi itong magandang halimbawa para ibulgar kung sakaling nakararanas sila ng pananakit ng asawa o nobyo. Mayroon bang maglalakas ng loob para sabihing binubugbog siya ng kabiyak lalo na kung pareho silang sikat na celebrities?

Tama ang ginawa mo Kris, lalo na ngayon at nagtatag na ng Women’s Desk ang ating bansa sa iba’t ibang lugar para maging sumbungan ng mga kababaihang nakakaranas ng domestic violence.

Sa kabilang banda, nagkaroon din ngayon ng awareness ang publiko tungkol sa sexually transmitted disease (STD). Kung di pa nagtapat si Kris tungkol sa paghahawa sa kanya ni Joey ng STD ay wala tayong matatanggap na impormasyon tungkol sa STD na ipinakakalat ngayon gayundin sa telebisyon na tinatalakay ng mga doctor.

Ang October ay domestic violence month at sa aming palagay karamihan nang nagsusumbong tungkol sa karahasan ay nanggagaling sa mababang lipunan, never na nagsasalita ang mga mayayaman na nakakaranas ng domestic violence dahil makakasira sa dignidad ng pagkababae nila. Sa puntong ito, kami’y saludo sa tapang at lakas ng loob na ipinakita ni Kris sa sambayanang Pilipino.
Angelika, Pinuri Ang Akting
Lahat ng nanood ng stage play na Maria, atbp ay nagkakaisa sa pagsasabing napakagaling talagang umarte ni Angelika dela Cruz. Puno ang venue ng mga estudyante mula sa iba’t ibang iskwelahan bilang tugon sa panawagan ng Department of Education na mahalagang panoorin ang musical play dahil napapanahon ang isyu, may temang "No to Violence Against Women & Children"…Stop Sex Trafficking. Hindi lang sa acting maaasahan ang magandang aktres kundi gayundin sa pag-awit kaya bagay sa kanya ang role ni Maria. Kasama ni Angel si China Cojuangco bilang ka-alternate nito gayundin sina Malou de Guzman, Joy Viado, Sarah Balabagan at Jinky Llamanzares. Patuloy pa rin ang pagpapalabas ng musical play sa ibang iskwelahan at unibersidad.
Naimbyerna Ang Sikat Na Actor-Politician
Kilala bilang pasensyoso ang actor-politician na ito. Pero naubos ang pasensya nito nang paghintayin siya ng sexy star na kilala na rin sa syuting ng pelikulang ginagawa nila. Tatlong oras ding na-late ang hitad at ni hindi man lang humingi ng "sorry" sa actor. Sabi nga ng mga kasamahang artista ay hindi man lang binigyan ng halaga ang mataas na katungkulan ng aktor bilang pulitiko sa isang lalawigan sa norte.

Ang aktres naman ay myembro ng isang grupo ng mga sexy stars na pambato ng isang movie company.

ANG OCTOBER

ANGELIKA

CHINA COJUANGCO

DEPARTMENT OF EDUCATION

DOMESTIC VIOLENCE MONTH

GLYDEL MERCADO

JINKY LLAMANZARES

JOY VIADO

KRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with