Ipinam-birthday ang hindi kanyang pera!
September 30, 2003 | 12:00am
Sino ba itong anak ng isang sikat na artista na tumanggap daw ng financial support mula sa dalawa ring celebrities para sa kanyang ina? Isa lamang ang ibinigay niya sa kanyang ina at ang ikalawa ay ginamit niya para makapagdaos ng party para sa kanyang birthday. Ang kapal, di ba?
Nanghihinayang ako dahil wala nang Thats Entertainment, ang programa na pinamunuan ni Kuya Germs na nakapag-produce ng napaka-raming artista na kasalukuyan pa ring pinakikinabangan ng industriya ng pelikula, telebisyon at maging ng tanghalan. Hindi rin maipagkakaila na ang karamihan sa mga sumisikat nating bituin sa labas ng bansa ay mga dating alaga ni Kuya Germs Lea Salonga, Billy Crawford, Caseylin Francisco. Ang mga malalaking artista natin ngayon ay produkto ng Thats Ara Mina, Aiko Melendez, Jessa Zaragoza, Niño Muhlach, Maricar de Mesa, Sharmaine Arnaiz, Sunshine Cruz, Sunshine Dizon at Francis Magalona.
Hindi nakapagtataka kung marami ring tao kundi man ahensya ang nag-aalaga na ng mga artista na hindi lamang magagamit ng industriya kundi mag-aakyat din sa mga manager ng maraming pera.
Hindi pera ang primary consideration ng ABS-CBN Talent Center na nasa pamamahala ni Mr. Johnny M kung kaya gumawa sila ng sarili nilang pool of talents. Gusto lamang nila na mayroon silang magagamit na mga talents sa napakarami nilang programa sa TV at pelikula.
Marami na ring pangalan ang lumaki sa talent center. Marami pa rin ang kasalukuyang hinahasa para sa hinaharap pero, unti-unti na ring napapansin dahil sa kanilang angking talino. Apat dito ay mga kabataang lalaki, sina Mico Aytona, Jiro Manio, Rayver Cruz at Pascal Grego.
Pinaka-bata si Jiro pero kinakitaan na ng galing sa pag-arte sa mga pelikulang Bagong Buwan, Anghel sa Lupa, Magnifico at marami pang iba. Ang huling nabanggit na pelikula ay nakasali sa Karlovy Vary Intl Filmfest sa Chech Republic na kung saan ay hinangaan ng mga dayuhan ang kahusayan niya. Napapanood siya ngayon sa sitcom na Tanging Ina bilang isa sa mga anak ni Aiai delas Alas.
Pareho namang myembro ng dance group na Anim-e sina Mico, apo ni Darius Razon at Rayver, pamangkin nina Ricky Belmonte at Tirso Cruz III at pinsan ng mga sikat na Cruz na sina Sheryl, Geneva, Donna at Sunshine.
Dating myembro ng Kundirana si Mico, nakalabas na sa mga stage plays and musicals at regular sa MTB at Klasmeyts: Coed Na kasama ang Anim-e.
Isang Canadian si Pascal na ang mukha ay palaging nakikita sa mga commercials, newspapers at magazines. Nagtagal lamang ang bakasyon niya rito nang makuha siya bilang bahagi ng Star Circle Batch 11. Kasama siya sa cast ng Buttercup. Ginagampanan niya ang role ng lover ni Onemig Bondoc.
Samantala, unti-unti nang napapansin ang grupong Pretty Babes na kung saan ay isa sa anim na myembro si Rajah Montero.
Bagaman at naunang di hamak si Maye Tongco na mag-artista kay Rajah, tila mas mabilis ang recall ng mga tao kay Rajah. Nung sumayaw silang dalawa ni Maye sa birthday celebration ni Bong Revilla sa Grand Boulevard Hotel ay narinig ko na ipinagtatanong ng marami si Rajah bagaman at nagniningning din naman ang alindog ni Maye.
Ang dalawa ay tampok sa Katas ng Vincent Films na palabas na bukas sa mga sinehan. Tatlo silang itinatampok sa pelikula, sila ni Maye at ang baguhang si Yani Garcia pero, si Maye ang may pinaka-daring na mga eksena sa pelikula. Pero, hindi ito dahilan para magpadaig ang dalawa sa kanya. May sarili ring mga highlights ang dalawa sa pelikula.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended