"In times na nakatapos kaming maaga sa taping ng Habang Kapiling Ka, we go out para mag-dinner sa labas before going home. Isang grupo kami nina Snooky, Leo Dominguez, her manager at dalawa pang kaibigan. Ginagawa namin ito kapag may pagkakataon.
"Naikukwento pala ni Snooky kay Ricardo ang paglabas-labas namin. Natatawa pa raw ang asawa at nagsabing, Sige kayo, tiyak na pag-uusapan kayot siguradong ili-link sa isat isa! Tapos, hayun ngat pinagbintangan na akong dahilan nang muntik na nilang paghihiwalay.
"I must admit, since my separation with former presidential daughter, Jo Ramos (the mother of his 9-year old son, Sergio), I have always wanted to find someone whom I can live with for the rest of my life. But this is not my priority at this point in time. Inaasikaso ko yung ilang negosyong naipundar ko at gusto kong masubaybayan ang paglaki ng aking anak," lahad ni Lloyd.
Kasama siya sa mga seryeng Habang Kapiling Ka at Love To Love, parehong produksyon ng GMA 7. May lungkot sa puso ni Lloyd ang halos magkasabay na pagtatapos ng programa.
"Ill be missing a lot of things I experienced while working with the professionals, from the director, co-artists and the whole staff and crew of both shows.
"Isang malaking barkadahan kami sa set, laging masaya. I believe, naipakita ko rin sa kanila na marunong din akong makisama at naging sinsero ako sa pakikitungo sa lahat. And with this feeling, I know they would still avail of my services in their projects," pagtatapos ni Lloyd. Bdc