Iilan lang ang tanda naming sumikat na artista na ang ginawang pasaporte ay ang galing sa pagsayaw. We remember the Comedy King Dolphy, Bayani Casimiro, Chiquito, Jun Aristorenas at Billy Castellvi, to name a few.
Nandyan ang tambalang Pancho Magalona at Tita Duran, sina Nida Blanca at Nestor de Villa, mahusay sa pag-arte at magaling pang sumayaw. Ilang dekada rin silang namayagpag sa mga musical films at hanggang ngayon, idolo pa rin sila ng ating mga magulang.
Ngayon, nag-iba na ang kalakaran sa local showbusiness. Naging phenomenal ang success ng grupong Sex Bomb Dancers, an all female ensemble. Pinasikat sila nina Vic Sotto at Joey de Leon ng di matinag-tinag na noontime show ng Siyete, ang Eat Bulaga.
Hindi lang mga babae ang kinagigiliwan ngayon ng Masang Pinoy kundi maging ang grupo ng kalalakihan na Masculados. Kamakailan ay nag-gold na ang album nila. Ben Dela Cruz