Science show sa radyo, nanguna sa survey

Binigyan kamakailan ng taunang AC Nielsen Radioscope Survey ng nangungunang rating ang educational radio program na Bago ’Yan, Ah! Isang produksyon ng ABS-CBN Foundation, nakakuha ang Bago ’Yan, Ah! ng pinakamataas na rating sa lahat ng palabas pang-Linggo sa AM radio sa Metro Manila.

"Magandang palatandaan ito ng halaga sa kabataan at sa lahat ng nakikinig sa radyo ng agham at ng educational radio," sambit ni Angelo Palmones. Pitong taon nang host si Palmones ng Bago ’Yan, Ah! mula nang magsimula ito.

Ang Bago ’Yan, Ah! ay isang science radio show na palabas mula 3:00 hanggang 5:00 pm tuwing Linggo sa DZMM 630 Khz. Matagal na itong sanggunian sa agham para sa mga mag-aaral. May dalawang bagong segment ang sinimulan sa Bago ’Yan, Ah! Noong nakaraang taon, ang "Fisheries School-on-the-Air at ang "Teacher’s School-on-the-Air."

Kinilala na rin ang Bago ’Yan, Ah! ng maraming award-giving organizations, tulad ng Golden Dove Awards ng KBP, ang Catholic Mass Media Awards at ng Department of Science and Techonology.

Show comments