Sa aming pakiwari, matatagalan pa ang usaping Kris at Joey dahil araw-araw mula nung Martes ay may mga bagong karagdangang issue na lumalabas dahil nakikisawsaw na rin sa nasabing issue ang ilang pulitiko at ibang sektor.
Kung tutuusin, ang awayang Kris at Joey ay isang domestic problem na na-blown out of proportion dahil sa pagsasalita on national television at radyo ng magkabilang panig. Agad sanang naresolba ang problemang ito kung nag-usap nang masinsinan sina Kris at Joey. Bukod sa malabo nang magkabalikan ang dating magkarelasyon kahit may natitira pa silang pagmamahal sa isat isa, matatagalan pa marahil bago humupa ang mga pangyayari dahil itoy pinagpipiyestahan ngayon ng media sa loob at labas ng bansa.
Marami ang pinahanga ni Kris sa buong tapang niyang bagbubulgar on national television ng mga naging karanasan niya sa loob ng isang taon at kalahati nilang relasyon kay Joey. Walang matinong babae na aamin nun sa publiko lalo na on national television na hindi lamang dito sa Pilipinas napanood kundi maging sa ibang bansa. Saludo rin kami kay Kris sa paghingi niya ng tawad sa mga taong ginawan niya ng mali, ang kanyang ina, ang kanyang pamilya, anak na si Joshua. Si Alma Moreno at mga anak nito at ang publiko na patuloy umano siyang pinatatawad sa kabila ng kanyang kalokahan.
Sa parte naman ni Joey, tiyak na mahihirapan siyang maka-recover agad. Durug-durog ngayon ang pagkatao ni Joey sa mata ng publiko.
Kung tutuusin, hindi siya sangkot sa awayang Kris Aquino at Joey Marquez, pero hindi maiwasang makaladkad ang kanyang pangalan dahil siya ang (naging) misis ni Joey. Although nasa korte na ang inihaing annulment case ni Joey para sa pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal, ito pa rin hanggang ngayon ang legal na asawa ni Joey.
Hindi ikinakaila ni Ness na apektado rin siya sa awayang Kris at Joey dahil ang mga anak nila ni Joey ang higit na nasasaktan sa mga pangyayari.
Marami siyang natulungang tao nung nabubuhay pa siya. Halos lahat ng mga artista ay natulungan din siya. Malaki ang naging bahagi ni Ate Luds sa aking buhay dahil siya ang nagbigay ng daan para mapasok din namin ang larangan ng telebisyon. Sa tulong nina Ate Luds at Direk Gene Palomo, nabigyan kami ni Anselle Beluso ng break sa telebisyon sa pamamagitan ng Isang Tanong, Isang Sagot, ang kauna-unahang showbiz oriented talk show ng ABC-5 na tumagal ng mahigit dalawang taon.
Bukod sa amin ni Anselle, marami pang ibang manunulat ang kanyang binigyan ng break sa telebisyon tulad nina Cristy Fermin, Nap Gutierrez, Lulubelle Lam Ramos, Jun Nardo, Alfie Lorenzo, Butch Francisco, Mario Hernando, Eugene Asis, Charlie Arceo at iba pa.
Si Ate Luds bale ang kauna-unahang showbiz talk show host na tumagal nang husto sa telebisyon. Ang kanyang mga programa ay ang Nothing But the Truth, Would You Believe, See True, Face to Face, Eye to Eye, The Truth and Nothing But at ang pinakahuli, ang Heart to Heart. Siya rin ang tinaguriang "Reyna ng mga Intriga" at may sarili siyang style ng pagtatanong sa kanyang mga interviewees. Kilala si Ate Luds sa kanyang throaty voice at sa kanyang mga pinasikat na linya - "Kilala mo ba Ako?" "Careful" "Promise" at "Saranghameda, Bo". Higit sa lahat, kaibigan si Ate Luds ng lahat.
Malaking kawalan si Ate Luds sa industriya na kasalukuyang nagluluksa sa kanyang maagang paglisan.
Kay Ate Luds, baunin mo ang aming taos pusong pasasalamat at mananatili kang buhay sa aming puso at alaala.