"Paborito rin kasi niya si Dawn at maswerte ako dahil hindi selosa si Lucy at naniniwala na part lang ang tambalan namin ng trabaho," sey nito.
Na-late nga pala sa presscon si Richard dahil galing siya sa pictorial nila ni Joey para sa isang bagong sitcom ng GMA 7 na ipapalit sa Kool Ka Lang. "May problema na naman ang kaibigan ko (Joey)," aniya. Pero ayaw mag-elaborate ni Goma sa away ni Joey at Kris.
Anim na taon ding hindi gumawa ng pelikula si Dawn at piniling manirahan sa Davao sa piling ng asawang si Anton Lagdameo. Nagpaalam naman ito sa kabiyak na gagawa ng pelikula at pumayag naman agad kahit kasama pa ang ex-boyfriend niyang si Richard.
"May three movie offer ako noong mga nakaraang taon na tinurn-down ko pero tinanggap ko agad itong Filipinas dahil maganda ang istorya at first time kong makakatrabaho si Joel Lamangan. Malaki rin ang casting and it will be my first time also to work with Maricel Soriano," aniya.
Naniniwala si Dawn na hindi na sila maiintriga ni Richard dahil magkapatid sila sa movie. "Patay na ang isyu at sana, huwag na nating balikan. Gusto kong makita kung paano kami magkasama ni Richard bilang magkapatid sa pelikula," dagdag pa ni Dawn.
Kasama si Dawn patungong Israel sa November 6 kung saan partly kukunan ang movie.
Malabong Magkabalikan
Ayon sa isang kaibigang source na malapit kay Alma Moreno ay umamin ang aktres na hanggang ngayon ay di ma-take ng kanilang mga anak ang nangyari sa kanilang daddy.
Nang una raw mapanood ni Yeoj ang interbyu kay Kris ay nag-iiyak ito. Kahit sa eskwelahan ay tinutukso na rin daw ang mga ito kaya tamad ng pumasok ang magkapatid, ayon pa raw kay Ness.
Kinampihan siyempre ng aktres ang dating asawa at sinabing sa 12 years nilang pagsasama ni Joey ay hindi siya nakatikim dito ng pambubugbog, panunutok ng baril at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng sexually transmitted disease o STD.
Idinagdag pa ng source na kahit kinakampihan ni Ness ang dating asawa ay imposible nang magkabalikan sila.
Halos araw-araw ay nasa telebisyon ito at iniinterbyu. Kaya lang, naiinis kami sa kanya nang interbyuhin sa Dong Puno Live. Pinipilit nitong mag-Ingles gayung hirap na hirap naman. Kung pwede lang sabihin ni Dong na mag-Tagalog na lang ang aktres ay baka ginawa nito. Pa-impress pa kasi ang sexy star gayung wala namang ibubuga sa Ingles.
Nangako ang mga kabataan na susundin nila ang slogan na "No To Drugs." Natuwa si Kuya Germs sa magandang pagtanggap sa kanya ng alkalde at ginang ng Dasmariñas, Cavite gayundin ang mga guro at prinsipal. Ang paanyaya kay Kuya Germs ay mula sa Soroptimist-International (Dasma-Salcedo Chapter) na nagtaguyod ng seminar bilang bahagi ng Values Education.