Puwede nang gumanda sa pamamagitan ng texting

Kung dati rati ay kinakailangan pa tayong pumunta ng mga beauty parlors for our beauty needs o kaya ay komunsulta sa isang dermatologist para sa ating mga sakit sa balat, ngayon ay pwede nang mabigyan ng solusyon ang lahat ng ating suliranin pagdating sa pagpapaganda kahit nasa bahay lamang tayo.

Ang beauty expert na si Ricky Reyes ay ibabahagi ang kanyang karunungan sa pagpapaganda sa pamamagitan ng Talk ‘N Text Ganda Galore. Ito ay isang bagong service na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng Talk ‘N Text at Smart subscribers na mag-text at magtanong tungkol sa pagpapaganda at maging sa fashion. Pwede rin silang mag-download ng operator logos at picture messages upang ipahiwatig ang mga positive messages ni Mother Ricky. Whether the message state "Ganda Ko!" o "Mr. Pogi", lagi kayong matutuwa kapag tinitingnan nyo ang inyong celfone when you download from this service.

I-type lang ang GANDANG RR at ipadala sa 3481 at makakakuha na kayo ng beauty tips. Pwede ring i-text si Mother
Ricky ng lahat ng Talk’N Text at Smart subscribers para mabigyan niya kayo ng payo sa inyong beauty problems. Makakatanggap din kayo ng timely and relevant replies giving you combination of beauty tips and advice.

Excited si Mother Ricky dahil mas marami siyang tao na maabot at matutulungan sa pamamagitan ng Talk ‘N Text.
* * *
Nakahabol ba kayo sa repeat ng Greatest Hits concert na ginanap sa Araneta Coliseum nung Biyernes ng gabi? Kung hindi, naku, ang dami n’yong na-miss.

Ako nga dalawang beses nang nanood ay naaliw pa rin at nagandahan sa musika nina
Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga, Marco Sison at Rey Valera. Di hamak na mas magaganda ang mga awitin nung panahon nila, namin. O hihirit pa ba kayo? Idagdag mo pa rito ang mga pagpapatawa na ginawa nila, talagang sulit na sulit ang ibinayad mo mapanood lang ang show.

Wala pa ring kupas ang mga kaberdehan ni Rico. Natatawa na lang at hindi nababastos ang mga tao, dahil sanay na sila sa kanya. Hindi na rin nabastos ang mga co-stars niya at maging ang mga pamilya ng mga ito na nanood kahit na tsapterin sila ni Rico dahil bahagi na lamang ito ng palabas.

May mga bagong bahagi sa repeat, gaya ng
Mr.Suwabe at Spagheti portions. Nakakaaliw ang lima habang ibinibigay ang sari-sarili nilang bersyon ng popular na sayaw. Patok sila sa kanilang F4 number complete with Taiwanese lyrics.

Muli pinahanga ang manonood ng mga anak nina Rico (
Tosca Puno), Hajji (Rachel Alejandro), Rey (Saling Pusa band na binubuo ng tatlong kabataang babae at isang lalaki) at Marco (Alain Salvador Sison). Bagaman at walang anak na kasama, napaka-ganda nung awitin ni Nonoy kasamang mga deaf children at maging ang dweto nila ni Sarah Geronimo.

Tapos na ang palabas, ayaw pang lumabas ng mga tao, naghihintay na muling bumalik ang lima at aliwin sila ng mga awitin nila.

Puno pa rin ang Coliseum, isang rason kung bakit hindi pagtatakhan kapag nagkaroon ng part 3 ang
Greatest Hits.
* * *
Isa pang pinakaaabangang konsyerto ay ang kay Sarah Geronimo na magaganap sa Music Museum sa October 24 na pinamagatang Popstar...a Dream Come True.

Phenomenal talaga si Sarah, wala pang isang taon nang manalo siya sa Star For A Night pero, sikat na sikat na siya. Wala yatang oras na di pinatutugtog sa radyo ang kanyang winning piece at dahilan sa kanyang kaabalahan at karamihan ng show, napilitan siyang huminto pansamantala sa kanyang pag-aaral. Hindi maglalaon at pipihit na ng 100% ang kanyang lifestyle.

Maswerte ang Viva dahil nakahanap sila ng bagong bituin. Tama ang ginagawa nilang pagmamaneho nila sa career ni Sarah na kung saan ay isinasalang nila ito sa maraming palabas, isinasama sa pelikula para mabigyan ito ng maximum exposure. Ngayong kabi-kabila ang kanyang imbitasyon, nakasisisguro na si Sarah ng isang magandang bukas, huwag lamang siyang magkakamali na hindi alagaan ng husto ang kanyang career.

Show comments