Tatlong mga batikang Pinoy directors ang dumalo sa very prestigious annual filmfest. Focus on Asia ang pinakatema ng festival this year. Pumili ang festival screening committee ng pinakamagagandang most recent films para maging kasali this year.
Meron din namang Focus on Women Directors, kung saan kasama ang American Adobo ni Laurice Guillen.
Si Marilou Diaz-Abaya, isa sa mga resource speakers sa ginawang forum sa festival.
Sa main part ng festival na Focus on Asian Films, ang Magnifico ni Maryo J. delos Reyes at produced by Violett Films ang napiling isali mula sa ating bansa.
Ang sabi nga ni Tadao Sato na Director General ng Fukuoka International Film Festival, kabilang ang Magnifico sa pelikulang "very heartwarming, full of love". Its honest and straightforward feelings towards love moves us to tears."
Tamang-tama naman ang sinabi ng respected Japanese film critic. Ipinalabas ang Magnifico sa Elgala theater sa Fukuoka at lahat ng nanood ay naiyak, pati na ang mga Japanese na majority sa audience. After the screening malakas na palakpakan ang binigay sa pelikula, at kay Direk Maryo J.
Sa magara at glossy souvenir magazine ng festival, four pages ang espasyong bigay sa Magnifico at kay Direktor Maryo J. Delos Reyes.
Isang tearjerker din ang Dont Cry mula sa Kazakhstan. Halos pareho ng tema ang Words From The Heart na galing sa Mongolia at Oasis ng South Korea. Pare-pareho kasing mga Asyano kayat magkakahawig ang mga sentiments at values, lalo pa kung tungkol sa pamilya.
Kahit ang mga review na lumabas sa ibat ibang dyaryo at magazines sa Fukuoka, pinuri ng husto ang Magnifico, ang magandang direksyon nito at ang mahusay na acting ng mga artistang Pinoy, particularly Lorna Tolentino, Albert Martinez, ang batang lumabas sa title role na si Jiro Manio at si Ms. Gloria Romero sa papel na lola ni Magnifico.
Ika-13 year na ng Fukuoka International Film Festival, pero ngayong 2003 lang nakasali ang Australia.
Sa Spotlight: Womens Film, anim lamang ang napiling ipalabas at kasama nga ang American Adobo. Syempre naman pinuri din ng husto ang obra ni Laurice.
Ang sabi nga ni Tadao Sato kay Guilllen "she is one of the great film directors her country has produced."
Tatlong venues pinalabas ang maraming pelikula from Asiasa Solaria Cinema, Elgahal at Nishitetsu Hall. Ang mga documentaries exhibited sa BTT Yume Tenjin Hall and Ajibi Hall.
Si Direktor Marilou Diaz Abaya ang nag-lecture sa India and Philippines Through the Medium of Films forum na ginanap sa Ajibi Hall.
Mayroon din mga lahok ang Iran (Barefoot To Heart) na tungkol din sa isang bata; India (Shadow Kill at Mouth Organ), Sri Lanka (August Sun), Thailand (Mekhong Full Moon Party), China (Life Show), Taiwan (Southbound Swallow at The Human Comedy), Australia (Beneath Clouds), Japan (The Bracken Fields at Daughter From Yanan). Lahat ng nabanggit sa Asian Panorama, ang main section ng festival, kasali.