Si Champagne ay isang SOP member at grand champion ng 1998 Metropop. Madalas na itong lumalabas sa mga musical plays. Katatapos lamang niya ng kursong psychology.
Public Ad naman ang tinapos ni Charlotte. Madalas ito sa stage at napanood sa A Midsummer Night Dream, The Amazing Technicolor Dreamcoat at ang palabas ng Ateneo na Once on This Island at A Funny Thing Happened on the Way to the Forum.
Second year voice major naman si Francesca na involved din sa theater. Nakasali na siya sa maraming Repertory Workshop productions.
Instrumentalist naman si Eleanor na marunong ding kumanta at sumayaw. Nasa multi-media arts din siya gaya ng photography, audio prod at events management.
Ang nag-iisang lalaki sa grupo, si Edilbert ay tapos ng kursong music major in guitar at nakapag-perform na sa maraming functions.
Ilulunsad ang After Eve sa Merks Bar Greenbelt 3 sa Makati.<