25 pares ng ninong at ninang sa binyag ni Janelle Amanda!
September 26, 2003 | 12:00am
Sa darating na linggo, September 28, sa ganap na ika-3 ng hapon ay nakatakdang binyagan ang unang supling ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Janelle Amanda Loyola Avanzado na may palayaw na Jayda. Gaganapin ang binyagan sa Christ The King Parish sa Greenmeadows, Quezon City, kung saan din ikinasal sina Dingdong at Jessa more than two years ago. Ang reception ay gaganapin sa Clubhouse ng nasabing village.
Dalawamput limang pares ang tatayong mga ninong at ninang ng bata na kinabibilangan nina Ricky Lo, Nora Aunor, Martin Nievera, Regine Velasquez, Mayor Dean Villa, Marissa Sanchez, Councilor Bu Mathay, Dr. Aurea Abella, Sec. Mike Defensor, Chiqui de Guzman, Fernando Gonzales, Marichele Gregorio, Alfredo Antolin Jr., Ara Mina, Ogie Alcasid, Del Espiritu, Manny Valera, Dr. Margarita Agdamag, Dr. Joel Mendez, Dr. Abby Pineda, Archie Castillo, Dr. Leslie Kiu, Arnold Galang, Carol Banawa, Herbie Arabelo, Carmina Villaroel, Masashi Fujiwara, Atty. Barbie Acyatan Guerrero, Noel Ferrer, Jinggay Arcilla, Dr. Alex Tuazon and Imelda Narciso, Henry Arabelo, Djhoana Madrigal, LJ Sumulong, Helen Ng, Reynaldo Loyola, Jr., Faith Chong, Renzi Flores, Ma. Emilie Avanzado, Vincent Chong, Ria Marcial, Atty. Eduardo Alejo, Jr., Michelle Reyes, Nathan Badillo, Camille Aguiluz, Danny Pascasio, Joni Aquino, Fredrik Avanzado at Maita Muñoz.
Ngayong four months old na ang baby nina Dingdong at Jessa, puwede na namang sumabak si Jessa sa trabaho lalo pat unti-unti na nitong naibabalik sa dati ang kanyang katawan.
Back-in shape ang singer-actress na si Isabel Granada na nagsilang din four months ago ng first baby nila ng husband niyang si Geryk Genasky, si Hubert Thomas Jericho. Ayon kay Issa, 105 lbs. na lamang ang kanyang timbang ngayon kaya nakahanda na umano siyang sumabak muli sa trabaho.
Sa hometown ni Geryk, sa Balibago, Angeles, Pampanga ngayon naninirahan ang mag-asawa at ang kanilang baby habang ang ina ni Issa na si Mommy Guapa ay mag-isang naninirahan sa kanilang bahay sa St. Monique Valais sa Binangonan, Rizal.
"Maliit lamang ang pamilya namin. Mag-isang anak lamang si Issa tapos maaga namang yumao ang kanyang ama. Sana magkaroon ako ng maraming apo kay Issa," natutuwang pahayag ni Mommy Guapa.
Ngayong may anak na si Issa, lalo lamang siyang pursigido na magtrabaho habang si Geryk naman ang nag-aasikaso sa kanilang itinayong negosyo sa Angeles.
"Sa panahon ngayon, kailangan talagang magtulong kami ni Geryk sa paghahanap-buhay," ani Issa.
Nakisawsaw na rin si Alma Moreno sa nangyayaring gulo sa pagitan ng kanyang (dating) mister na si Joey Marquez at ang actressTV host na si Kris Aquino. Hindi nito ikinakaila na nasasaktan siya sa mga pangyayari dahil apektado rin ang mga anak nila ni Joey.
"Kahit anuman ang mga nangyari sa pagitan namin ni Joey, asawa ko pa rin siya sa mata ng Diyos at sa mata ng tao dahil hindi pa naman naa-annul ang kasal namin. Magkani-kanya man kami ng landas,siya pa rin ang ama ng mga anak ko (Yeoj, Wyn-Wyn, VJ at MM) at hindi na siguro mawawala yung bonding na yon. Sana lang, kung anumang gulo ang namamagitan sa kanila ni Kris ay maayos nila ito nang sila lang para hindi na nadadamay ang ibang tao," pahayag pa ni Alma.
Speaking of Alma, tuloy na tuloy na ang plano niyang pagpapalaot sa larangan ng pulitika. Kakandidato siya sa pagka-mayor ng Parañaque, ang puwestong iiwanan ng kanyang (ex) husband na si Joey na tatakbo naman sa pagka-congressman ng Parañaque.
Tuluy na tuloy na ang pag-iisang dibdib ng matagal ng magkasintahang Tintin Bersola at Julius Babao na nakatakdang maganap sa darating na Disyembre 8 sa San Antonio de Padua Church sa Antipolo, Rizal.
Originally, gusto sana nina Tintin at Julius ng isang garden wedding na gaganapin sa garden ni Dr. Joven Cuanang, isa sa kanilang magiging ninong sa kasal, pero hindi na pumapayag ang simbahang Katoliko na hindi ganapin sa loob ng simbahan ang wedding rites. Kaya napagdesisyunan na sa San Antonio de Padua Parish Church ganapin ang kasal habang ang wedding reception naman ay sa garden pa rin ni Dr. Cuanang.
Ang long-time friend designer ni Tintin na si Renee Salud ang siyang gagawa ng off-shoulder gown ni Tintin ganundin ng female entourage. Hot pink ang kulay ng gown na isusuot ng mga ina nina Tintin at Julius, kumbinasyon ng magenta at old rose naman ang kulay ng bridesmaids at secondary sponsors habang ang mga flower girls naman ay naka-shantung silk lavender fabric.
Si Marie Dantes ang siyang mamamahala ng flower arrangement sa loob ng simbahan pati na rin ng bridal bouquet habang si Dorothy Albert Chua naman ang in-charge sa floral arrangement sa reception.
Apat na caterer ang magpu-provide ng pagkain sa wedding reception na pangungunahan ng Josiahs Restaurant, ang main caterer. Ang tatlong iba pa ay ang The Global Leaf Bakeshop, Wah Sun Restaurant at Mazuki Restaurant. Ang The Gold Leaf Bakeshop ang siyang magpu-provide ng pasta at salad dishes habang ang Wah Sun at Mazuki Restaurant naman para sa dimsum. Ang table presentation ng Josiahs Restaurant ay may motif ng Christmas dahil sa December ang kasal.
Kung apat ang caterer, apat din ang kinuha nilang official photographers na magku-cover sa kasal at isa na rito si Nelson Villarica habang si JP Montilla naman ang wedding coordinator.
Alam ba ninyo na ang French lace na gagamitin sa gown ni Tintin ay sa Singapore pa nila binili ni Julius? Nagtungo sa Singapore ang magkasintahan para doon i-celebrate ang kaarawan ni Julius.
Ang officiating priest ay si Bishop Raul Martinez na tutulungan nina Fr. Aris Sison, Fr., Ferdie Guiang at Fr. Delbert. Sa Tuscany, Italy naman ang honeymoon ng ikakasal.<
Dalawamput limang pares ang tatayong mga ninong at ninang ng bata na kinabibilangan nina Ricky Lo, Nora Aunor, Martin Nievera, Regine Velasquez, Mayor Dean Villa, Marissa Sanchez, Councilor Bu Mathay, Dr. Aurea Abella, Sec. Mike Defensor, Chiqui de Guzman, Fernando Gonzales, Marichele Gregorio, Alfredo Antolin Jr., Ara Mina, Ogie Alcasid, Del Espiritu, Manny Valera, Dr. Margarita Agdamag, Dr. Joel Mendez, Dr. Abby Pineda, Archie Castillo, Dr. Leslie Kiu, Arnold Galang, Carol Banawa, Herbie Arabelo, Carmina Villaroel, Masashi Fujiwara, Atty. Barbie Acyatan Guerrero, Noel Ferrer, Jinggay Arcilla, Dr. Alex Tuazon and Imelda Narciso, Henry Arabelo, Djhoana Madrigal, LJ Sumulong, Helen Ng, Reynaldo Loyola, Jr., Faith Chong, Renzi Flores, Ma. Emilie Avanzado, Vincent Chong, Ria Marcial, Atty. Eduardo Alejo, Jr., Michelle Reyes, Nathan Badillo, Camille Aguiluz, Danny Pascasio, Joni Aquino, Fredrik Avanzado at Maita Muñoz.
Ngayong four months old na ang baby nina Dingdong at Jessa, puwede na namang sumabak si Jessa sa trabaho lalo pat unti-unti na nitong naibabalik sa dati ang kanyang katawan.
Sa hometown ni Geryk, sa Balibago, Angeles, Pampanga ngayon naninirahan ang mag-asawa at ang kanilang baby habang ang ina ni Issa na si Mommy Guapa ay mag-isang naninirahan sa kanilang bahay sa St. Monique Valais sa Binangonan, Rizal.
"Maliit lamang ang pamilya namin. Mag-isang anak lamang si Issa tapos maaga namang yumao ang kanyang ama. Sana magkaroon ako ng maraming apo kay Issa," natutuwang pahayag ni Mommy Guapa.
Ngayong may anak na si Issa, lalo lamang siyang pursigido na magtrabaho habang si Geryk naman ang nag-aasikaso sa kanilang itinayong negosyo sa Angeles.
"Sa panahon ngayon, kailangan talagang magtulong kami ni Geryk sa paghahanap-buhay," ani Issa.
"Kahit anuman ang mga nangyari sa pagitan namin ni Joey, asawa ko pa rin siya sa mata ng Diyos at sa mata ng tao dahil hindi pa naman naa-annul ang kasal namin. Magkani-kanya man kami ng landas,siya pa rin ang ama ng mga anak ko (Yeoj, Wyn-Wyn, VJ at MM) at hindi na siguro mawawala yung bonding na yon. Sana lang, kung anumang gulo ang namamagitan sa kanila ni Kris ay maayos nila ito nang sila lang para hindi na nadadamay ang ibang tao," pahayag pa ni Alma.
Speaking of Alma, tuloy na tuloy na ang plano niyang pagpapalaot sa larangan ng pulitika. Kakandidato siya sa pagka-mayor ng Parañaque, ang puwestong iiwanan ng kanyang (ex) husband na si Joey na tatakbo naman sa pagka-congressman ng Parañaque.
Originally, gusto sana nina Tintin at Julius ng isang garden wedding na gaganapin sa garden ni Dr. Joven Cuanang, isa sa kanilang magiging ninong sa kasal, pero hindi na pumapayag ang simbahang Katoliko na hindi ganapin sa loob ng simbahan ang wedding rites. Kaya napagdesisyunan na sa San Antonio de Padua Parish Church ganapin ang kasal habang ang wedding reception naman ay sa garden pa rin ni Dr. Cuanang.
Ang long-time friend designer ni Tintin na si Renee Salud ang siyang gagawa ng off-shoulder gown ni Tintin ganundin ng female entourage. Hot pink ang kulay ng gown na isusuot ng mga ina nina Tintin at Julius, kumbinasyon ng magenta at old rose naman ang kulay ng bridesmaids at secondary sponsors habang ang mga flower girls naman ay naka-shantung silk lavender fabric.
Si Marie Dantes ang siyang mamamahala ng flower arrangement sa loob ng simbahan pati na rin ng bridal bouquet habang si Dorothy Albert Chua naman ang in-charge sa floral arrangement sa reception.
Apat na caterer ang magpu-provide ng pagkain sa wedding reception na pangungunahan ng Josiahs Restaurant, ang main caterer. Ang tatlong iba pa ay ang The Global Leaf Bakeshop, Wah Sun Restaurant at Mazuki Restaurant. Ang The Gold Leaf Bakeshop ang siyang magpu-provide ng pasta at salad dishes habang ang Wah Sun at Mazuki Restaurant naman para sa dimsum. Ang table presentation ng Josiahs Restaurant ay may motif ng Christmas dahil sa December ang kasal.
Kung apat ang caterer, apat din ang kinuha nilang official photographers na magku-cover sa kasal at isa na rito si Nelson Villarica habang si JP Montilla naman ang wedding coordinator.
Alam ba ninyo na ang French lace na gagamitin sa gown ni Tintin ay sa Singapore pa nila binili ni Julius? Nagtungo sa Singapore ang magkasintahan para doon i-celebrate ang kaarawan ni Julius.
Ang officiating priest ay si Bishop Raul Martinez na tutulungan nina Fr. Aris Sison, Fr., Ferdie Guiang at Fr. Delbert. Sa Tuscany, Italy naman ang honeymoon ng ikakasal.<
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended