Ang award-winning director na si Rory Quintos, ay magbabalik sa Maalaala Mo Kaya para i-direk ang episode na ito, na sinulat ng headwriter ng MMK na si Mel del Rosario.
Ang pagiging petite, kyut pero kaakit-akit sa mga lalaki ay ang mga physical characteristics na tugmang-tugma kina Maui at Pia, ngunit nadagdagan pa ito ng preparasyong dinaanan ni Maui para magampanan ng maayos ang buhay ni Pia. Ilang araw din ang dance rehearsals na pinagdaanan ni Maui sa ilalim ng supervision mismo ni Pia. Nag-usap din ang dalawa upang mas makuha ni Maui ang mga mannerisms ni Pia.
Kilala sa kanyang pagsayaw at pagpapasikat ng mga disco hits na "Body Language" at "Earthquake", pinanganak si Pia Moran bilang Maria Susan Casiño. Bata pa lamang ay mahilig na ito sa pagsasayaw, ngunit nang iniwan ng tatay ni Susan ang kanyang pamilya noong teenager pa lang siya, ang angking ganda at alindog ni Susan ang tumulong sa buong pamilya Casiño. Pumasok ito bilang "living mannequin" sa mga department store sa Cubao. Doon ay na-discover siya, pinangalanang Pia Moran, at napasok sa pag-aartista.
Ngunit biglaan man ang pagsikat ni Pia ay ganoon din kabilis ang kanyang pagkawala sa showbiz. Ano ba ang misteryo na bumabalot sa biglaang pagkawala ni Pia Moran sa mundo ng showbiz?
Ikukwento ni Pia ang lahat sa Maalaala Mo Kaya mamayang gabi.
Sa October 29 na ang showing ng My First Romance na magtatampok sa loveteam nina John Lloyd at Bea sa isang movie na ka-twinbill naman sina John Prats at Heart Evangelista.
Puspusan na ang shooting ng dalawa para sa kanilang launching movie. Kinailangan ngang mag-leave ni Don Cuaresma sa pagdidirek ng Kay Tagal Kang Hinintay to make sure na matututukan niya ang mga eksena sa kanyang debut diretorial job.
"Iba ang movie, eh, sabi ni Direk Don. "Gusto ko na matuwa ang mga followers nila sa mapapanood nila. Ako rin, this is my first movie kaya gusto ko rin na may masabing maganda sa trabaho ko.