Napantot sa kahihintay ang mga guest nito minsan kung saan ang call time ay 1:00 pm. Ayon sa isang reliable source na kasama ng guest na sikat na aktres ay napakatagal nilang hinintay ang maarteng TV host. Alas dos na ay wala pa rin ito. Kaya nagkape muna sila sa labas.
Nag-text sa kanila ang talent coordinator dahil dumating na ang TV host. Alas tres na yun. Nagmamadali nang pumunta ng studio ang sikat na aktres at ang aming source.
Pero hindi pa pala mag-uumpisa ang taping. Basa ang buhok ng TV host kaya magpapa-blower pa ito. Tapos nilagyan pa ito ng make-up. Day! Alas singko na natapos ang make-over ng TV host dahil kasama pa rito ang pagpunta niya sa CR. Naimbyerna na ang guest dahil sa tagal nang ipinaghintay nila sa TV host. Nasabi ng sikat na aktres na hindi na mauulit ang kanyang paggi-guest doon.
Matagal-tagal ding panahon na hindi nagkasama sina Bobot at Boyet kaya ngayon pa lang ay excited na ang dalawa sa bagong programa.
Kaya naman pinapirma niya si Angel sa Regal Films ng three-year contract for eight pictures. Kasama ito sa Kuya at Mano Po with special participation at baka ilunsad na ito sa pagiging ganap na bituin sa ikatlong movie.
Masaya nitong ibinalita na malapit nang matapos ang ipinagagawa niyang bahay sa Australia para sa kanyang pamilya. Kung noon ay hindi boto ang mga magulang ni Michelle sa komedyante ngayon ay puring-puri siya ng mga ito dahil sa pagiging mabuting asawa at ama ng kanilang dalawang anak.
Kaya hindi apektado si Michelle sa mga intriga tungkol sa pagli-link sa asawa kay Regine Velasquez.
Nilinaw ni Chynna na okey naman ang tambalan nila ni Chard at malapit pa rin silang magkaibigan ni Anne. "Bakit naman ako magagalit kay Anne, wala naman kaming relasyon ni Chard? Isa pa may mga kaibigan din akong lalaki na close sa akin," aniya.