Juliana, Francine sali na sa 'Showgirls'
September 25, 2003 | 12:00am
Sa kabila ng maraming batikos at puna na tinanggap ng Showgirls, isang palabas na nagtatampok sa pinaka-sexy na mga bituin natin sa pelikula at TV, hindi mapapasubalian na tinatangkilik ito ng manonood. Kung hindi ba naman, eh bakit sunud-sunod ang pagpapalabas nito? Nakaikot na ito hindi lamang dito sa Kamaynilaan kundi maging sa Pampanga, sa isang malaking venue. Nakatakda rin itong mapanood sa Batangas City sa Oktubre at sa Araneta Coliseum sa Nobyembre.
Mas lalo pa itong aagaw ng pansin ngayon dahil kasali na sa palabas sina Juliana Palermo at Francine Prieto, dalawa sa pinaka-bagong bold stars natin ngayon. Makikita sila sa kauna-unahang pagkakataon sa palabas na Showgirls na magaganap sa Araullo Gym, Cabanatuan City Sa Setyembre 27, 9:00 n.g. sasamahan nila ang mga Showgirls stalwarts na sina Regine Tolentino, Michelle Bayle, Belinda Bright, April Tolentino, Cherry Lou, Jenny Miller, Michelle Estevez at Aleck Bovick.
Makakasama rin sina Tuesday Vargas, Jennifer Lopez, Whiplash at Groove Manila Dancers.
Ang Showgirls ay "Strictly For Adults Only". Sa mga interesado, tumawag lamang sa Live Artists Production sa 9260556 at 9202643 o sa Cast & Crew sa 7181032.
Hindi naman naghihinanakit si Camille Prats sa ABS-CBN dahil iisa lamang ang kanyang serye dahilan aniya sa napaka-hectic ng kanyang sked sa school.
Nakahinga na sila ng maluwag ang buong cast ng Tabing Ilog dahilan sa naagaw na nilang muli sa Love To Love ng GMA ang supremacy sa teenage shows. Inamin naman ni Camille na for a time ay naagaw sa kanila ng naturang palabas ang unang pwesto pero, nasa kanila na raw muli ito.
"Syempre affected kami sa ratings dahil pinaghihirapan namin ito," ani Camille na kinuha naman recently ng BCNY Jeans para maging image model and endorser nila. Kinuha nila siya dahil kinakatawan niya ang isang typical na Filipino youth, trendy, talented, a good daughter and a diligent student. Ang BCNY ay sumusuporta sa kanya sa lahat niyang palabas (Home Along Da Airport at Tabing Ilog). Bagay kay Camille ang pinaghalo nitong western and eastern fashion.
Marami ang nagtatanong sa akin kung sino ba kina Joey Marquez at Kris Aquino ang dapat nilang paniwalaan. Isa na sa kanila ang accountant nina Vilma Santos at Aga Muhlach na si Aida Fundialan. Nagkita kami ni Aida sa meeting ng STEAMDPFI, ang foundation para sa mga bingi na pinamumunuan ni Aga. Suprised din si Aida sa naging takbo ng pangyayari sa dalawa.
May masasabi ba ako although alam ko na hindi isang bayolenteng lalaki si Joey. At sabi ko, takot lang nyang saktan si Kris pero, bakit lumabas si Kris at pinagbibintangan siyang mambubugbog at manunutok ng baril?
Pwede ko ring paniwalaan na nasaktan si Kris, hindi lamang ang kanyang damdamin kundi maging ang kanyang katawan sa pagpigil sa kanya ni Joey na masaktan siya ni Kris at maging ang sarili nito. At baka si Kris ang taong madaling magkaroon ng pasa, di kaya?
Sa kanyang mga interviews, consistent si Joey sa pagsasabi na hindi niya sinaktan si Kris. Hinihiling pa rin niyang magsabi ito ng totoo. Kung mayroon man akong napansin sa kanya, ito ang pangyayaring walang lungkot sa kanyang mukha. Is it because na-realize na niya na what he and Kris both felt was not love?
Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa nagsasalita si Kris. Gusto ko kasing makita ang mukha niya habang dini-denounce ang kanyang dating karelasyon na inayawan ng buong mundo para sa kanya pero, nagpaka-tigas-tigas siya ng ulo. Kapag nakita ko siya na nagsasalita ay saka pa lamang ako makaka-form ng aking conclusion at opinyon sa mga nagaganap sa kanila.
Mas lalo pa itong aagaw ng pansin ngayon dahil kasali na sa palabas sina Juliana Palermo at Francine Prieto, dalawa sa pinaka-bagong bold stars natin ngayon. Makikita sila sa kauna-unahang pagkakataon sa palabas na Showgirls na magaganap sa Araullo Gym, Cabanatuan City Sa Setyembre 27, 9:00 n.g. sasamahan nila ang mga Showgirls stalwarts na sina Regine Tolentino, Michelle Bayle, Belinda Bright, April Tolentino, Cherry Lou, Jenny Miller, Michelle Estevez at Aleck Bovick.
Makakasama rin sina Tuesday Vargas, Jennifer Lopez, Whiplash at Groove Manila Dancers.
Ang Showgirls ay "Strictly For Adults Only". Sa mga interesado, tumawag lamang sa Live Artists Production sa 9260556 at 9202643 o sa Cast & Crew sa 7181032.
Nakahinga na sila ng maluwag ang buong cast ng Tabing Ilog dahilan sa naagaw na nilang muli sa Love To Love ng GMA ang supremacy sa teenage shows. Inamin naman ni Camille na for a time ay naagaw sa kanila ng naturang palabas ang unang pwesto pero, nasa kanila na raw muli ito.
"Syempre affected kami sa ratings dahil pinaghihirapan namin ito," ani Camille na kinuha naman recently ng BCNY Jeans para maging image model and endorser nila. Kinuha nila siya dahil kinakatawan niya ang isang typical na Filipino youth, trendy, talented, a good daughter and a diligent student. Ang BCNY ay sumusuporta sa kanya sa lahat niyang palabas (Home Along Da Airport at Tabing Ilog). Bagay kay Camille ang pinaghalo nitong western and eastern fashion.
May masasabi ba ako although alam ko na hindi isang bayolenteng lalaki si Joey. At sabi ko, takot lang nyang saktan si Kris pero, bakit lumabas si Kris at pinagbibintangan siyang mambubugbog at manunutok ng baril?
Pwede ko ring paniwalaan na nasaktan si Kris, hindi lamang ang kanyang damdamin kundi maging ang kanyang katawan sa pagpigil sa kanya ni Joey na masaktan siya ni Kris at maging ang sarili nito. At baka si Kris ang taong madaling magkaroon ng pasa, di kaya?
Sa kanyang mga interviews, consistent si Joey sa pagsasabi na hindi niya sinaktan si Kris. Hinihiling pa rin niyang magsabi ito ng totoo. Kung mayroon man akong napansin sa kanya, ito ang pangyayaring walang lungkot sa kanyang mukha. Is it because na-realize na niya na what he and Kris both felt was not love?
Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa nagsasalita si Kris. Gusto ko kasing makita ang mukha niya habang dini-denounce ang kanyang dating karelasyon na inayawan ng buong mundo para sa kanya pero, nagpaka-tigas-tigas siya ng ulo. Kapag nakita ko siya na nagsasalita ay saka pa lamang ako makaka-form ng aking conclusion at opinyon sa mga nagaganap sa kanila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended