Tulad ng naunang party, masaya ang press na dumalo. Bukod sa umulan ng pagkain, umulan din ng raffles prizes, games at giveaways. At ang masayang entertainment numbers.
Ang naturang party ay pinangunahan siyempre ng ABS-CBN Public Relations Department headed by its Vice President for Corporate, Government Affairs and PR, Maloli Manalastas sampu ng kanyang grupo na kinabibilangan din nina Ms. Leah Salterio at Ms. Rikka Dylim.
"We are always grateful to the press people because of the support they have been giving the station, our artists and the shows. Hindi magiging leader ng broadcast industry ang ABS-CBN kung hindi dahil sa suporta ng press people," sabi ni Ms. Maloli.
Si Leo Bukas ang nanalo ng grand prize sa "Istariray In A Million". Second place si Rommel Gonzales at pangatlo naman si Archie Calma. Si Rommel Placente naman ang tinanghal na Best in Angst dahil sa kanyang kakaibang istilo ng pagkanta. Si Leo din ang nanalo sa quiz show kung saan most of the questions ay about the 50 years of ABS-CBN.
Nagbigay naman ng entertainment numbers sina Michelle Ayalde, Michael Josh Santana, Tuesday Vargas at Jeffrey Hidalgo. Ang sobrang funny na si John Lapus ang nag-host ng event. Talagang napatawa nang husto ni Sweet ang mga celebrants.
Ang naturang party ay dinaluhan ng mga big bosses ng ABS-CBN tulad nina Mr. Gabby Lopez, Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Mr. Deo Endrinal, Ms. Joanna Santos, Ms. Chit Guerrero, Ms. Linggit Tan, Ms. Alou Almaden at ilan pa.
Ipinaaabot ng ABS-CBN ang pasasalamat sa mga suporta sa press party tulad ng BUM Equipment, Hawk Bags, Secosana Bags, Molecules, Navy White, Street Jeans, Karanina Bags, mga ABS-CBN Talent Center handlers na sina Gidget dela Cuesta, Portia Dimla, Luz Bagalacsa, Janice Damasco at si Mr. Dondi Prats.
"We enjoy our single lives," sabi nito. "Walang pressure. Hindi ako nagmamadali dahil Im so preoccupied with so many things now. Same thing with Dom, marami pa siyang gustong gawin at ma-achieve."
Just like Dominic who has an ice cream business, si Jana naman has her own business too. Kamakailan ay nagkaroon ng media launch ang kanyang Jana Victoria Skin Whitening and Bleaching Soap.
Pinagtuunan ng malaking panahon at pera ni Jana ang kanyang sariling produkto.
"You cannot just copy other products eh. Ako talaga, Im fond of beauty products kaya nga nong nagkaroon ako ng kaunting puhunan with the help of my sisters, nakapagsimula kami ng maliit na business, ito ngang skin whitening and skin bleaching soap na so far, okey naman ang turn out ng sales," kuwento ni Jana.
Bukod kay Jana herself, marami na rin palang mga celebrities ang gumagamit ng produkto ni Jana at kami mismo ang makapagsasabi na very effective ito sa pagpapakinis at pagpapaputi.
Ang dalawang sabon ni Jana ay available na sa supermarket, drugstores at cosmetic stores. Open din sila for dealership especially sa area ng Visayas at Mindanao. Just call up VBV Collections at 578-3967.