Maisalba kaya nina Vhong,Mahal at Mura ang sitcom nina Maricel at Cesar ?

Kung kayo ay mapapasyal sa Patio Victoria, isang eleganteng restoran na matatagpuan sa kanto ng Gen. Luna at Victoria Sts., malamang ay makita ninyo sa loob ang magandang maybahay ng dating kongresista ng Leyte na si Alfred Romualdez, ang dating singer-actress na si Cristina Gonzales na siyang personal na namamahala sa kanyang itinayong negosyo.

Napakaganda ng Patio Victoria dahil sa kakaiba nitong disenyo at ambience. Ang setting nito ay mayroong touch ng Old World charm na matatagpuan lamang nung panahon ng mga Spaniards sa Pilipinas.

Masaya si Kring-Kring sa kanyang napiling negosyo dahil naibabahagi niya sa kanyang mga kliyente ang kanyang expertise sa pago-organize ng weddings at iba pang functions.

Malapit na naman ang panahon ng election. May balak bang tumakbong muli ang asawa niyang si Alfred?

"Kung ako lamang ang masusunod, mas gusto ko na ang buhay namin ngayon na malayo sa pulitika, pero kung anuman ang magiging desisyon ng husband ko ay buong puso ko pa rin siyang susuportahan. Pero sa ngayon, pareho kaming masaya sa buhay namin na malayo sa pulitika. He’s doing well sa kanyang mga negosyo at maganda naman ang takbo nitong Patio Victoria. Ang maganda pa, pareho kaming may panahon para sa isa’t isa at sa dalawa naming anak," pahayag pa ni Kring-Kring na tila mas bumata at gumanda ngayon.

Ayon kay Kring-Kring, willing pa rin umano siya sa mga TV guestings at gumawa ng pelikula pero depende umano ito sa project. Pero sa ngayon, masaya na umano siya sa takbo ng kanyang personal na buhay sa piling ng kanyang mister na si Alfred at dalawang tsikiting.
* * *
Kung ang actor-politician na si Joey Marquez lamang ang masusunod, ayaw niyang ikampanya ng girlfriend niyang si Kris Aquino ang kanyang kandidatura sa pagka-congressman sa susunod na halalan dahil ayaw umano niyang ma-accuse na ginagamit lamang niya ang dating Presidential daughter para sa kanyang political gain. Pero sa ayaw at gusto raw niya ay hindi papayag si Kris na hindi siya nito tulungan sa kampanya.

Last term na bale ni Joey bilang mayor ng Parañaque kaya ang kongreso naman ang kanyang next target.

Speaking of Joey, isa na itong effective showbiz talk show host tulad ng kanyang ipinamamalas sa S-Files kung saan niya mga kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Richard Gomez, Janice de Belen at Paolo Bediones. Although on-going pa rin ang Kool Ka Lang, balita namin na ito’y ire-reformat na at gagawing Eh, Kasi Lalake kung saan muling magsasama-sama ang dating mga mainstay ng Palibhasa Lalake na sina Joey, Richard at Anjo Yllana.
* * *
Mukhang naaalarma na ang ABS-CBN sa sunud-sunod na pag-ungos sa ratings ng Daboy en Da Girl sa Bida si Mister, Bida si Misis kaya nagdagdag ng ibang characters sa Bida si Mister.... sa pamamagitan nina Vhong Navarro, Mahal at Mura.

Dalawa na bale ang sitcom ni Vhong sa ABS-CBN, nariyan ang Whattamen at pangalawa na nga itong Bida si Mister, Bida si Misis na napapanood tuwing Lunes ng gabi.

Samantala, dapat siguro ibahin o baguhin na ang character na ginagampanan ni Jorge Javier sa nasabing sitcom dahil hindi na kasi nakakatuwa. Naniniwala kami na ang ikagaganda ng isang programa ay hindi lamang base sa cast kundi malaking factor din dito ang istorya
* * *
<a_amoyo@pimsi.net>

Show comments