Jomari Yllana, tsugi sa pagri-reformat ng 'Kool Ka lang'

Nang lumabas ang balitang nagpa-ayos ng ilong at nagpa-laser ng kanyang eyebag itong si Mayor Joey Marquez, kadikit nito ang tsismis na si Kris Aquino ang nag-shoulder ng bill. Bakit ba? Wala bang pera si Tsong Joey at di niya ito kayang bayaran?

Niliwanag ng kampo ni Tsong na hindi siya nagparetoke kundi inayos lang at nire-align ang kanyang ilong. Tapos ay nagpabawas ng eyebags through laser, pwede na pala ngayon.

May kinalaman kaya ang ginawang enhancement sa looks ni Mayor sa pagre-reformat ng kanilang Kool Ka Lang, Oo Naman! Balitang magkakasama sila ng kaibigang si Richard Gomez sa sitcom din na ipapalit sa Kool.

Hango sa pinasikat na awitin ng Masculados, ang Lagot Ka! Isusumbong Kita! ang magiging titulo ng bagong show na papalit sa Kool.... Mare-retain ang whole cast kasama na si Bearwin Meily, with the exception of Jomari Yllana, na umano’y hindi na kasama sa paglulunsad ng bagong programa ng Siyete.

Inakala ng iba, ibabalik ang Palibhasa Lalake. Siguro yung tema lang ang kukunin nila although nasa Siyete na si Amy Perez at Anjo Yllana, hindi naman matitinag si Gloria Romero sa Dos. Kaya malabong maging ala-Palibhasa ang programa. — BEN DELA CRUZ

Show comments