Singer/actress, mahilig magmura sa text

Nagtungo ang sikat na sexy star sa isang recording studio. Habang wala pa roon ang kakausaping produ ay palakad-lakad ito sa loob ng studio at text ng text. Minsan ay napapabilis ang lakad sabay ng pagratsada ng bunganga sa pagmumura.

Yon pala ay may lovers quarrel sila ng nobyo at kapag nagti-text ito ay lumalabas ang masasamang salita. Lalo itong nagagalit kapag nababasa ang natanggap na text mula sa nobyo at nagpapakawala ng masasamang salita. Hindi na inalintana na may nakakarinig sa kanyang empleyado ng recording studio.

Kontrobersyal ang sikat na sexy actress lalo na ang kanyang lovelife. Bukod sa magaling umarte ay may career din ito sa pagkanta pero mas palaban ito sa hubaran sa pelikula.
Dolphy, Hindi Pwede Sa Magic 10
Ang entry ni Dolphy na Harry Father na nasa panlabing-isang pwesto sa 2003 Metro Manila Film Festival ay hindi na makakasama sa sampung finalists sa darating na Disyembre kahit nag-withdraw na ang Milan ng Star Cinema.

Sinabi ni Mayor Rey Malonzo, over-all vice chairman ng MMFF na gusto ni Dolphy na palitan ang entry ng panibagong script. Pero sinabi ng alkalde na labag ito sa selection process at nakabase ang script o storyline ng pelikula na isinumite sa selection committee noong Hunyo.

"Napili na namin ang script ng Harry Father at pang no. 11 ito. Hindi ito pwedeng palitan ng another script na muling isasama sa sampung entries," aniya.

Nasa 12th slot ang Bituin, Buwan at Araw ni Elwood Perez at ang committee pa rin ang magde-decide kung pwede itong pumasok sa ika-10 entries ayon pa sa magiting na alkalde.

Idinagdag pa nito na nag-pulled out ang Milan dahil ayon sa producers ay hindi matatapos ang pelikula bago mag-December 25.

Ngayong wala na ang Milan na panghatak ng malaki sa takilya ay maraming pelikula naman ang panlaban din gaya ng Viva’s Paano Kita Pasasalamatan na tatalakay sa overseas Filipino workers gaya rin ng The Homecoming ni Gil Portes. Nariyan din ang pambatang pelikula gaya ng Kapten Barbel, Funtastic Man 2 at Gagamboy.

Pinakamalaking problema sa MMFF ang tungkol sa pinansyal na ayon kay Mayor Rey Malonzo ay mayroon lang 10 milyon ang festival sa kasalukuyan. Humihingi sila ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Noong nakaraang taon ay nabigyan sila ng 50-million subsidy ng pangulo pero ginamit itong insentibo para sa mga film producers na lumahok. Ang bawat isa ay tumanggap ng 4 milyon. "Kung 300 milyon ang kinita ng Tanging Ina in its nationwide run, natitiyak kung pwede itong talunin ng MMFF sa Metro Manila," pahayag ni Mayor Rey.
Karen, Di Tinarayan Ang Extra
Kaibigan namin ang manager ni Karen delos Reyes na si Becky Aguilar at ito mismo ang nagkukwento kung gaano kalaki ang ipinagbago ng pag-uugali ng kanyang alaga lalo na nang magkasundo sila ng kanyang mommy. May naibalita sa isang blind item tungkol sa young actress na nanaray ng extra sa taping ng isang show dahil na-late ang baguhang artista.

Nakarating ito sa kaalaman ni Karen at sinabing malabong siya ang tinutukoy sa blind item dahil hindi naman siya nananaray lalo na sa extra dahil nanggaling siya sa ganitong estado.
Kuya Germs, Guest Speaker Ngayon


Panauhing pandangal ngayon sa drug seminar sa Dasmariñas National High School sa Dasmariñas, Cavite ang Master Showman na si Kuya Germs Moreno. Siya ang resource speaker sa "Drug Abuse Prevention" na lalahukan ng 1,000 high school students sa pakikipagtulungan kay Mayor Elpidio Barzaga. Tatalakayin ni Kuya Germs kung anu-ano ang nagiging sanhi ng paggamit ng droga ng mga kabataan.

Magbibigay ng natatanging bilang ang sumisikat na baguhang singer na si Melvyn Dizon.

Ang drug seminar ay sa pagtataguyod ng Soroptimist International Dasma-Salcedo Club kung saan ang inyong lingkod ang pangulo at nanging punung-abala din ang treasurer na si Yoly Pedriña at Becky Kalaw na chairperson ng Education Committee.

Show comments