Cristina, nakalimutan na ang pag-aartista

Hindi nakaapekto sa pagtatrabaho nina Jinggoy Estrada at Joey Marquez ng pelikulang Utang Ng Ama ng Maverick Films ang pagiging magkaibigan nina Joey at Richard Gomez na nakaaway ni Jinggoy nung nakaraang Star Olympics.

"Wala naman, kasi professional kami sa set. At saka exciting siyang makatrabaho dahil kalog siya at magaan ka-trabaho. Marami akong natutunan sa kanya pagdating sa comedy," ani Jinggoy.

"May humility sa kanya, parang baby brother ang turing ko sa kanya," ani Joey naman.

Sinabi ni Jinggoy na si Mel del Rosario, ang gumawa ng story ng pelikula at script, ang nakaisip na pagsamahin sila sa pelikula. Si Joey naman daw ang nakaisip ng titulo.

"Mas bihasa siya sa comedy kaya marami siyang naging input sa movie. Pero, ako naman ang nagbigay ng tips sa aming fight scenes. Di makontrol kasi ni Joey ang mga suntok niya, minsan tumatama," kwento ni Jinggoy.

Gumaganap na kapareha nilang dalawa sa movie si Katya Santos, na pawang papuri ang sinasabi sa dalawang aktor.
* * *
Hindi na nga maaalalang balikan ni Cristina Gonzales Romualdez, o more popularly known in showbiz circle as Kringkring, ang kanyang pag-aartista. May bago na siyang pinagkakaabalahan ngayon, ang pagiging isang wedding planner.

Nagsimula ang negosyong ito ni Kringkring two years ago nang makuha niya ang pamamahala ng
Patio Victoria, isang sosing lugar sa walled city o Intramuros na madalas pagdausan ng weddings, garden o indoors o wedding receptions. Dinagdagan ni Kringkring ang serbisyong ibinibigay ng Patio Victoria gaya ng pagpu-provide ng cake and flowers. Mayroon na ngayong in-house florists and bakers ang Patio Victoria na kilala sa kanyang international and Spanish cuisine.

May dalawang garden at isang banquet hall ang Patio na ipinangalan sa dalawang anak na babae ni Kringkring, ang
Sofia at Diana, pawang air-conditioned at makaka-accommodate ng mga 1,000 na bisita. Ang dalawang garden ay may mga gazebos na nagsisilbing proteksyon sa init at ambon. Kapag malakas ang ulan, pwedeng ilipat ang mga bisita sa isang malamig na banquet hall. Kung brownout naman, may generator na magagamit.

Isang one-stop shop ang Patio para sa mga abalang brides. Aayusin nito ang lahat ng bagay na kinakailangan sa kasal, mula sa bulaklak, decor, seating, food, giveaways hanggang sa
music. Ang gagawin na lamang ng bride ay magpaganda para sa kanyang kasal.

"Ginawa namin ito para ma-enjoy ng ikakasal ang kanilang wedding day," ani Cristina.
* * *
Natatandaan n’yo si Jacque Esteves ng Cebu na nag-try maging member ng Sex Bomb pero pinauwi ng kanyang probinsya dahil sa sobrang kabataan?

Officially ay member na siya ng SB, kasali na rin siya sa drama series ng mga ito sa GMA na Daisy Siete. Ginagampanan niya ang role ng no. 1 na kaaway ni Rochelle Pangilinan. Kontrabida ang kanyang role dito.

"
Huwag sanang magagalit sa akin ang mga fans, role lang ito, hindi ako ganoon," ani Jacque.

Based pa rin sa Cebu si Jacque, dun siya nag-aaral, nasa first year college siya. Pumupunta lang siya ng Manila kapag may taping ng Daisy Siete.

Show comments