Kris insecure ba kay Korina?
September 21, 2003 | 12:00am
Puyat daw si Kris Aquino nung nakaraang Huwebes, kaya si Korina Sanchez lang ang mag-isang nag-host ng Morning Girls.
Kung kapasidad ang pag-uusapan ay kayang-kayang dalhin ni Korina ang show. Dati naman kasi siyang humahawak ng mga programang siya lang ang host, kaya walang kwestyon tungkol dun.
Nakakapanibago man na wala si Kris sa show ay mas kuminang naman ang bituin ni Korina. Tanggapin natin ang katotohanan na kapag silang dalawa ang nasa ere, ay mas madaldal si Kris.
Natatabunan talaga ng pagiging buhay na buhay ni Kris ang pagiging konserbatibo ni Korina.
Lumulutang lang ang anchorwoman ng Dos kapag ang paksa na nila ay pulitika, na paminsan-minsan lang namang mangyari.
Marami ngang komentong natatanggap ang Dos na kung minsan, kapag umaatake na si Korina dahil mas pamilyar siya sa isyu, ay bigla namang binabago ni Kris ang paksa.
Tuloy ay nawawala na naman kay Korina ang pokus, napupunta sa kung saan gusto ni Kris, at muli na namang matatabunan ang newscaster.
Pero gusto naming maniwala na hindi naman yun sinasadya ni Kris. Lalong ayaw naming paniwalaang malaki ang insekuridad nito kay Korina, kaya hindi nito pinababayaang makaalagwa.
Nung panoorin naming mag-isa si Korina ay walang tinatawag na dead air, masaya ang kanilang talakayan ng mga panauhin, at nagawa niyang maayos ang takbo ng programa.
Nakakapanibago lang talaga dahil sa loob ng ilang buwan ay sila na ang magkasama sa Morning Girls, pero isa man sa kanilang dalawa ang mag-absent sa show ay tuloy ang saya, tuloy ang pang-umagang programa ng Dos.
Napuyat ng todo si Kris dahil mas mabusisi ngayon ang kanyang bagong Game KNB?. Diring-diri ang TV host, dahil may mga palaka, iguana at kung anu-anong hayop na kasama ngayon sa isang bahagi ng kanyang nirepormat na show.
Nasulat ang balitang nagpa-noselift daw si Mayor Joey Marquez, nahawa na raw talaga kay Kris Aquino ang aktor-pulitiko, dahil nahihilig na rin siya sa pagpaparetoke.
Si Kris kasi ay dumaan na sa proseso ng liposuction at breast enhancement. Balitang ipaaayos din ni Kris ang kanyang ilong, kaya marami ang nagsasabing malaki talaga ang impluwensya ng TV host sa aktor-pulitiko.
Tinawagan namin si Tatay Douglas Quijano para alamin ang totoo, nagpatangos nga ba ng ilong si Mayor Joey, dahil yun ang gusto ni Kris?
Ayon kay Tatay Douglas ay hindi raw naman nagpa-noselift si Mayor Joey. Idiniretso lang daw ang buto ng kanyang ilong, dahil nabali yun nung naglalaro pa ng basketball ang mayor ng Parañaque.
"Nabali ang ilong ni Joey nung naglalaro pa siya, at si Norman Black ang nakasiko sa kanya nang hindi naman sadya, kaya yun ang inayos.
"Wala siyang ipinadagdag o pinabawasan, ipinadiretso lang talaga ang buto ng ilong niya dahil nabali noon," sabi sa amin ng manager ni Mayor Joey.
Kunsabagay ay hindi naman pango si Mayor Joey na kailangang magpatangos ng ilong. Tamang-tama lang ang tubo ng ilong ng aktor, kaya wala nang kailangan pang bawasin o idagdag dun.
Kung talagang ang gusto ni Kris ay mas maging gwapo si Mayor Joey, ang kailangan nitong busisiin ay ang buhok ni mayor. Medyo kalbuhin na kasi ang aktor-pulitiko na kayang-kaya niyang namang dalhin.
Pero mas gugwapo si Mayor Joey kapag nagpatubo siya ng buhok, wala nang kulang pa sa aktor kapag yun ang nadiskubre. Kumpleto na talaga ang kanyang kagwapuhan kapag nangyari yun.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended