^

PSN Showbiz

Aiza,pinagpaliban ang pag-alis patungong US at Canada para mapanood lang ang F4

-
Nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan itong phenomenal at dating child star at ngayon ay teenage singing sensation na si Aiza Seguerra sa kanilang bahay sa Imperial St., Cubao. Masayang sinalubong nina Mama Caring at Aiza ang mga panauhin nilang inanyayahan. Naroon ang mga taga-Vicor na may inihandang sorpresa para kay Aiza. Dumating rin ang mga relatives, classmates at professors ni Aiza plus ang mga record producers nitong sina Margot Gallardo kasama si Moy Ortiz ng The Company. Hindi rin nagpatalbog ang mga friends ni Aiza from the press.

Masayang ibinalita pa ni Mama Caring na dapat sana ay aalis sila ng Sept. 19 pero dahil sa kagustuhan din ni Aiza na makapanood ng F4 concert kinansela nila ang kanilang pag-alis. Nagdesisyon silang sa Oktubre na lamang sila aalis para magtungo sa Canada at U.S. para sa ilang mga natanguan nilang shows doon. Pagbalik naman nila, aatupagin naman nila ang pagpapagawa ng Pick-A-Mart sa harap ng kanilang bahay.

Tiniyak pa ni Mama Caring na dito sa bansa magpa-Pasko si Aiza.

Speaking of F4 concert, hindi rin nila na-appreciate ang mga nangyari sa kanilang palabas. Ayaw na nilang maulit pa ang ganung pangyayari. Boni A. Casiano

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

AYAW

BONI A

IMPERIAL ST.

MAMA CARING

MARGOT GALLARDO

MASAYANG

MOY ORTIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with